Si Al-Shanti ay naging bayani matapos bombahin ng sasakyang panghimpapawid ng rehimeng Zionista ang kanyang tahanan sa Lungsod ng Gaza.
Sinabi ng PLC sa isang pahayag noong Huwebes na isinabuhay ni Al-Shanti ang kanyang buhay sa paggawa ng mga sakripisyo at pagsusumikap para sa pagsulong ng layunin ng Palestine, iniulat ng Al-Jazeera.
Sinabi nito na siya ay may mahalagang papel sa parlyamento, unibersidad, pulitika, pagtatanggol at edukasyon ng mga Palestino.
Ang 68-taong-gulang ay nagging bayani noong Miyerkules matapos ang pambobomba ng sasakyang panghimpapawid ng rehimeng Israel noong madaling araw sa kanyang tahanan sa Gaza.
Pagkatapos nina Zakariya Abu Muammar at Jawad Abu Shumala, siya ang ikatlong miyembro ng Kawanihang Pampulitika ng Hamas na nagging bayani mula noong simula ng Operasyon ng Pagbaha sa Al-Aqsa.
Itinatag ni Al-Shanti (Um Abdullah) ang pakpak ng kababaihan ng kilusang Hamas sa Gaza at siya ang unang babaeng miyembro ng kawanihang pampulitika.
Nakakuha siya ng doctorate degree sa education administration noong 2013, mula sa UAE.
Noong 2006, nahalal siya bilang miyembro ng Konsehong Lehislatibo para sa pangkat ng Pagbago at Pagreporma sa Hamas.
Noong 2013, hinirang si Al-Shanti na Ministro ng Kababaihan sa pamahalaan ng Hamas.
Naging kilala ang pangalan ni Al-Shanti noong Nobyembre 3, 2006 nang ang isang martsa ng kababaihan na kanyang pinamunuan ay nagtagumpay sa pagsira sa isang pagkubkob na ipinataw ng hukbo ng pananakop sa isang moske sa bayan ng Beit Hanoun, sa hilagang Gaza Strip.
Pagkaraan ng tatlong mga araw, binomba ang kanyang bahay ng mga eroplano ng Israel, na nagresulta sa pagkamatay ng kanyang hipag na si Nahla Al-Shanti, at dalawa pang tao.