Kasama sa kasunduan ang isang pagpapalit ng bilanggo at ilang bilang ng mga hakbang upang payagan ang tulong makatao na makapasok sa kinubkob na Gaza Strip.
Sinuportahan ng gabinete ng Israel ang kasunduan pagkatapos ng mga pag-uusap na nagpatuloy hanggang madaling araw ng Miyerkules ng umaga, kung saan ang Israeli media ay nag-uulat ng mainit na pagpapalitan sa pagitan pamahalaan ng mga ministro ng punong ministro na si Benjamin Netanyahu.
Ang Hamas ay naglabas ng isang pahayag noong Miyerkules ng umaga, na nagsasabing ang kasunduan ay naabot kasunod ng mahirap at kumplikadong hindi direktang mga negosasyon.
Ang kasunduan ay nagsasangkot ng kasunduan sa pagpapalitan ng mga bilanggo at ilang bilang ng mga sugnay na magtitiyak sa pagpasok ng makataong tulong sa buong Gaza Strip "nang walang pagbubukod," sabi ng Hamas, iniulat ng Himpilan ng TV ng Al-Mayadeen.
Sa pagbibigay ng karagdagang detalye ng kasunduan, sinabi ng Hamas na kasama sa kasunduan sa antas ng militar ang pagtigil sa lahat ng labanan mula sa magkabilang mga panig. Ang paghinto ng lahat ng mga aksiyong militar ng Israel sa lahat ng lugar ng Gaza Strip, ang pagtigil ng paggalaw ng sasakyang militar ng Israel sa Gaza Strip, ang pagtigil ng mga pagpalipad ng militar ng Israel sa katimogang Gaza Strip sa loob ng apat na magkakasunod na mga araw, at ang limitasyon ng mga pagpalipad ng militar ng Israel sa hilagang Gaza Strip hanggang anim na mga oras araw-araw, ay kabilang sa iba pang iniulat na mga sugnay ng kasunduan.
Sa antas ng makatao, daan-daang mga trak na nagdadala ng makatao, panaklolo, at tulong medikal ay makakarating sa lahat ng lugar ng Gaza Strip nang walang pagbubukod habang ang mga paghahatid ng gasolina ay papayagan sa Gaza Strip, sinabi ng Hamas.
Sa kasunduan sa pagpalit ng bilanggo, 50 na mga bihag ang pakakawalan mula sa Gaza Strip kapalit ng 150 na mga bilanggong Palestino mula sa mga bilangguan ng Israel, ayon sa pahayag.
Sinabi rin nito na ang nakalabas na mga bilanggo mula sa magkabilang panig ay kasama lamang sa mga kababaihan at mga indibidwal na wala pang 19 taong gulang.
Bukod dito, ipinahayag ng Hamas na sumang-ayon ang okupasyon na pigilin ang pag-target o pag-aresto sa sinumang mga indibidwal sa buong takdang panahon ng tigil-putukan. Sinabi rin ng kilusang Paglaban na ang kalayaan sa paggalaw ay titiyakin para sa lahat ng mga Palestino sa kahabaan ng Kalye ng Salah al-Din, na alin nag-uugnay sa mga distrito ng Gaza Strip.
Inulit ng kilusan na ang mga tuntunin ng kasunduan ay nabuo at nakamit ayon sa pananaw at layunin ng Paglaban, na alin naglalayong pagsilbihan ang mga mamamayan nito at tulungan ang kanilang katatagan sa harap ng pananakop ng Israel.