IQNA

Pinupuri ng Hepe ng Ennahda ng Tunisia ang Operasyon sa Baha ng Al-Aqsa bilang Regalo sa Muslim na Ummah

11:24 - November 25, 2023
News ID: 3006305
TUNIS (IQNA) – Inilarawan ni Rached Ghannouchi, ang pinuno ng Partido na Ennahda ng Tunisia, ang Operasyo sa Baha ng Al-Aqsa bilang isang regalo sa Muslim na Ummah.

Ang Operasyon sa Baha ng Al-Aqsa ay isinagawa ng kilusang paglaban ng Hamas laban sa Israel noong Oktubre 7 bilang tugon sa mga kalupitan ng Israel sa sinasakop na mga teritoryo at mga paglabag nito sa kabanalan ng Moske ng Al-Aqsa.

Kabilang dito ang mga pag-atake ng misayl sa sinasakop na mgalungsod at pag-atake sa lupa sa mga pamayanan malapit sa Gaza. Ang operasyong iyon at ang paghihiganti ng mga pag-atake ng misayl ng Palestino ay nag-iwan ng daan-daang mga Israel na namatay.

Sa mensahe mula sa bilangguan, na alin inilathala ng kanyang anak na babae, sinabi ni Ghannouchi na ang operasyon ay isang puwersa para sa muling pagbabangon, pagganyak, paggising, at kamalayan at isang salawikain ng kabayanihan ng Islamikong Ummah, iniulat ng Al-Alam.

Binigyang-diin niya na ang Moske ng Al-Aqsa at ang Dakilang Moske sa Mekka ay ang dalawang mahahalagang isyu ng mundo ng Muslim at ang mga puso ng Ummah at anumang banta sa kanila ay dapat harapin ng lahat.

Inilarawan ni Ghannouchi ang mga pagsisikap para sa pagpapalaya ng Palestine bilang hindi isang pananagutan ngunit isang paraan ng kapangyarihan para sa Muslim na Ummah.

Ang lahat ng mga pinuno ng mundo ng Muslim ay makakakuha ng kataasan sa pamamagitan ng pagtataas ng bandila ng pagpapalaya ng Palestine, sinabi niya.

Binigyang-diin niya na ang isyu ng Palestine ay dapat manatiling numero unong isyu ng mundo ng Muslim.

Magbasa pa:                                        

  • Mga Kaswalti ng Puwersa ng Rehimeng Israel sa mga Pag-atake sa Lupa sa Gaza Malapit sa 50

Si Ghannouchi, 82, ay inaresto noong Abril 17, nang salakayin at halughugin ng pulisyang Tunisiano ang kanyang bahay sa kabisera ng Tunis bago siya dinala. Ang pag-aresto ay dumating pagkatapos niyang babala na ang pag-aalis ng iba't ibang mga pananaw katulad ng kaliwa o politikal na Islam ay maaaring humantong sa isang "digmaang sibil" sa bansa sa Hilagang Aprika.

Mula noong unang bahagi ng Pebrero, inaresto ng mga awtoridad sa bansang Hilagang Aprika ang higit sa 20 na mga kalaban ng kasalukuyang Presidente na si Kais Saied, kabilang ang mga pulitiko, dating ministro, mga negosyante, mga unyonista, at ang may-ari ng pinakasikat na istasyon ng radyo sa Tunisia, ang Mosaique FM.

Noong Mayo, si Ghannouchi, sino siyang tagapagsalita ng parliyamento ng Tunisia bago ito binuwag ni Saied noong Marso noong nakaraang taon, ay hinatulan ng isang taong pagkakakulong sa mga singil na may kaugnayan sa terorismo, na alin mariin niyang itinatanggi.

Si Ghannouchi, ang isa sa tagapagtatag ng partidong Ennahda at ang pinakakilalang kritiko ni Saied, ay nagsimula ng kanyang tatlong mga araw na gutom bilang protesta noong Biyernes, nangako na hindi siya kakain hangga't hindi inaalis ang mga paghihigpit sa kanya at sa iba pang mga bilanggo.

 

3486139

captcha