Ang mga protesta laban sa digmaan ng Israel sa Gaza Strip ay paulit-ulit na umani ng libu-libong tao sa Morokko mula nang magsimula ang labanan mahigit dalawang buwan na ang nakararaan.
Ang martsa noong Linggo ay pinagsama-samang inorganisa ng makakaliwang mga grupo at ng ipinagbabawal ngunit pinahintulutan na grupong Al-Adl Wal-Ihsan.
Ang mga nagprotesta ay iwinagayway ang mga bandila ng Palestino at may hawak na mga plakard na may nakasulat na "paglaban hanggang tagumpay," "itigil ang ugnayan ng gobyerno ng Morokkano sa Israel" at "palayain ang Palestine."
Sumang-ayon ang Morokko na gawing normal ang ugnayan sa Israel noong 2020, sa ilalim ng puwersa ng gobyerno ng US.
Ang mga nagprotesta sa martsa noong Linggo ay nanawagan din ng boykoteho sa mga tatak na inaakusahan nilang sumusuporta sa Israel.
Sa kabila ng kanilang patakaran na gawing normal ang ugnayan sa Israel, patuloy na sinusuportahan ng mga awtoridad ng Morokkano ang paglikha ng isang estado ng Palestino at hinikayat ang isang tigil-putukan sa Gaza at ang proteksyon ng lahat ng mga sibilyan doon.
Ang Morokko at ang rehimeng Israeli ay hindi pa nakumpleto ang proseso ng pagtatayo ng ganap na mga embahada ayon sa kanilang napagkasunduan.
Pinagmulan: Arab News