IQNA

Pandaigdigang Araw ng Hijab Isang Plataporma para Pagyamanin ang Pag-uunawa, Pagpaparaya: Nazma Khan

19:22 - February 02, 2024
News ID: 3006576
IQNA – Ang Pandaigdigang Araw ng Hijab ay tinanggap sa buong mundo bilang isang plataporma para itaguyod ang pagkakaunawaan, pagpaparaya, at pagkakaisa, sabi ng tagapagtatag ng kilusan.

"Sa buong mundo, ito ay nakikita bilang isang positibong hakbang tungo sa pagsira sa mga estereotipo at pagsulong ng pagiging kasama," sinabi niya sa IQNA sa isang panayam.

Ang Pebrero 1, 2013 ay minarkahan ang unang taunang Pandaigdigang Araw ng Hijab [World Hijab Day (WHD)]. Ang araw na ito ay para kilalanin ang milyun-milyong babaeng Muslim sino pinipiling magsuot ng hijab at mamuhay ng mahinhin.

Ang mapanlikhang isip ng kilusang ito ay isang Bangladeshi na Taga-New York, si Nazma Khan, sino nakaisip ng ideya bilang isang paraan upang pagyamanin ang personal na kalayaan sa pagpapahayag ng relihiyon at pang-unawa sa kultura sa pamamagitan ng pag-imbita sa mga kababaihan mula sa lahat ng antas ng pamumuhay na maranasan ang hijab sa isang araw sa ika-1 ng Pebrero taun-taon.

Sa pamamagitan ng pagpapataas ng kamalayan, umaasa si Nazma na malabanan ang ilan sa mga kontrobersyang nakapalibot kung bakit pinili ng mga babaeng Muslim na magsuot ng hijab.

Tinatantya na ang mga tao sa mahigit 150 na mga bansa ay nakikibahagi sa Pandaigdigang Araw ng Hijab bawat taon. Ang WHD ay may maraming mga boluntaryo at mga embahador sa buong mundo upang magsagawa ng mga kaganapan sa WHD upang magbigay ng kamalayan tungkol sa hijab. Ang mga embahador na ito ay nagmula sa lahat ng antas ng pamumuhay. Bilang karagdagan, ang WHD ay inendorso ng maraming kilalang mga indibidwal sa mundo kabilang ang mga iskolar, mga pulitiko, at tanyag na mga tao sa buong mundo.

Maraming mga milyahe mula noong umpisahan ang Pandaigdigang Araw ng Hijab. Ang isa sa mga ito ay ang pagkilala sa araw ng Estado ng New York mula noong 2017.

Magbasa pa:                   

Isang Pagkakataon na Matuto tungkol sa Hijab, Maglinaw ng mga Maling Paniniwala tungkol sa Islam

Alinsunod kay Nazma Khan, "Ang Pandaigdigang Araw ng Hijab (World Hijab Day) ay tinanggap sa buong mundo bilang isang plataporma upang pasiglahin ang pagkakaunawaan, pagpaparaya, at pagkakaisa. Sa US, kinikilala ito sa pagtataguyod ng pagkakaiba-iba ng kultura at kalayaan sa relihiyon, na naghihikayat sa pag-uusap tungkol sa kahalagahan ng hijab. Sa buong mundo, ito ay nakikita bilang isang positibong hakbang tungo sa pagsira sa mga estereotipo at pagsulong ng pagiging kasama.

Tinanong tungkol sa pangunahing mga hamon na kinakaharap ng mga babaeng nagsusuot ng hijab sa US, sinabi niya, "Ang mga Hijabi sa US ay nahaharap sa mga hamon katulad ng mga maling kuru-kuro tungkol sa kanilang pananampalataya, mga esteriotipo sa kultura, paminsan-minsang diskriminasyon, at isang pangangailangan para sa mas mataas na kamalayan tungkol sa pagpili na magsuot ng hijab. . Karagdagan pa, ang pagbabalanse ng mga gawain sa relihiyon sa mga inaasahan ng lipunan ay maaaring maging isang masalimuot na aspeto ng kanilang karanasan.”

Idinagdag niya, "Ang pananaw ng industriya ng moda at pamumuhay ng Islam sa US at mga bansa sa Kanluran ay positibong umuunlad, na may pagtaas ng pagkilala sa magkakaibang mga kultural na pagpapahayag. Mayroong lumalagong merkado para sa katamtamang moda, at ang mga pangunahing tatak ay nagsasama ng mga inclusive na disenyo. Ang uso na ito ay sumasalamin sa isang mas malawak na pagtanggap ng pagkakaiba-iba at isang mas nuanced na pag-uunawa sa kultural na mga kasanayan."

Ang tagapagtatag ng Pandaigdigang Araw ng Hijab (World Hijab Day) ay higit pang tinukoy ang Islamopobiya bilang resulta ng kamangmangan. "Naniniwala ako na ang ugat ng Islamopobiya ay kamangmangan at kakulangan ng tamang edukasyon tungkol sa Islam. Pangunahing sinisisi ko ang media at mga taong nasa kapangyarihan sa pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa Islam."

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga kaganapan at natatanging mga aktibidad sa Pandaigdigang Araw ng Hijab (World Hijab Day), tingnan www.worldhijabday.com.

 

3487045

captcha