IQNA

Pandaigdigan na Paligsahan sa Quran ng Jordan para mga Parangal sa mga Nanalo ng Kababaihan

17:20 - February 25, 2024
News ID: 3006681
IQNA – Ang ika-18 na edisyon ng pandaigdigan na kumpetisyon sa Quran ng Jordan para sa mga kababaihan ay nagtapos sa isang seremonya kung saan inanunsyo at ginawaran ang mga nanalo.

Ang seremonya ay ginanap noong Huwebes sa bulwagan ng pagtitipon ng Sentro ng Islamiko-Pangkultura na kaanib sa Moske ng King Abdullah I sa Amman, iniulat ng website ng Akhbar al-Hayat.

Ito ay hinarap ng Jordaniano na Ministro ng Awqaf sa Islamikong mga Kapakanan na si Mohammad Ahmad Muslim Al Khalayleh, sino nagsabing ang kumpetisyon ay inorganisa alinsunod sa mga pagsisikap ng bansang Arabo na pagsilbihan ang mga aktibista ng Quran at Quran.

Sinabi niya na ang lahat ng mga kababaihan at mga batang babae na kasali sa patimpalak ay nagwagi at igagawad ng Diyos.

Idinagdag ng ministro ng Awqaf na ang pag-aaral ng mga turo ng Quran, mga prinsipyong moral at mga birtud ng Banal na Aklat ay ang pangunahing tagumpay para sa mga aktibista ng Quran.

Nang maglaon sa seremonya, ang mga nagwagi sa kumpetisyon, na alin ginanap sa kategorya ng pagsasaulo ng buong Banal na Quran, ay iginawad.

Nasungkit ni Hajjar Ibrahim mula sa Nigeria ang pinakamataas na premyo, si Aisha Othman mula sa Chad ang pangalawa at ang ikatlong gantimpala ay napunta kay Neda Abdul Basit mula sa Libya.

Si Nureddin Abdul Rahman mula sa Lebanon at Ahud bint Khamis mula sa Oman ay dumating sa ikaapat at ikalima, ayon sa pagkakabanggit.

Magbasa pa:                                        

  • Ang mga kababaihan mula sa 39 na mga Bansa ay Nakipagkumpitensiya sa Paligsahan sa Quran ng Jordan

Nabigo si Zahra Abbasi sino kumatawan sa Islamikong Republika ng Iran sa Quranikong kaganapanan na manalo ng ranggo.

Ang ika-18 na edisyon ng pandaigdigan na kumpetisyon ng Quran ng Jordan para sa mga kababaihan, na kilala bilang "Al-Hashimiya", ay nagsimula sa Amman noong nakaraang Sabado na nilahukan ng mga tagapagsaulo ng Quran mula sa 39 na mga bansa.

       

3487314

captcha