IQNA

Higit san a mga 600 Moske ang Ganap na Nawasak sa Digmaang Israel sa Gaza

16:05 - May 19, 2024
News ID: 3007024
IQNA – May kabuuang 604 na mga moske ang ganap na nawasak sa Gaza Strip sa ngayon bilang resulta ng mga pag-atake ng rehimeng Israel sa pantahanan at hindi-militar na mga pook.

Ito ay ayon sa Kagawaran ng Awqaf sa Gaza, na alin nagsabi rin sa isang ulat na ang mga bomba at mga misayl ng Zionista na rehimen ay bahagyang nawasak din ang 200 iba pang mga moske sa Gaza.

Idinagdag nito na 60 porsiyento ng mga moske sa lugar ng Palestino ay nagtamo ng pinsala sa mga pag-atake ng Israel.

Ayon sa ulat, target din ng rehimeng pananakop ang 60 na mga libingan sa Gaza Strip, na hinukay at ninakaw ang mga bangkay ng mahigit 1,000 na mga bayani.

Ang Kagawaran ng Awqaf ay hindi rin nakaligtas, sabi ng ulat, na may 15 mga gusali na kabilang sa kagawaran, kabilang ang pangunahing punong-tanggapan nito, ang punong-tanggapan ng Radyo Quran, ang departamento ng Awqaf sa Khan Yunis at ang mga sentro ng archive at mga manuskrito ay ganap na nawasak sa mga pag-atake.

Gayundin, 91 na mga kawani ng Kagawaran ng Awqaf ang namartir sa mga paglusob ng Israel sa ngayon, sabi pa nito.

Ayon sa pandaigdigan na batas, ang pag-atake sa mga moske at iba pang mga lugar ng pagsamba ay itinuturing na isang krimen sa digmaan.

Over 600 Mosques Totally Destroyed in Israeli War on Gaza

Over 600 Mosques Totally Destroyed in Israeli War on Gaza

3488381

captcha