IQNA

Mga Araw ng Tashriq at Paglalakbay sa Hajj

17:49 - June 18, 2024
News ID: 3007154
IQNA – Ang mga Araw ng Tashriq ay ang ika-11, ika-12 at ika-13 araw ng buwan ng Hijri ng Dhul Hijjah kung saan isinasagawa ang mga pangunahing ritwal ng Hajj katulad ng paghahain ng hayop at Rami al-Jamarat.

Mayroong iba't ibang mga pananaw tungkol sa pagtawag sa mga araw na ito ng Tashriq. Ang ilan ay naniniwala na ito ay dahil pagkatapos ng paghahain ng hayop, ang karne ay ilalagay sa araw upang matuyo, at kailangan nila ng sapat na sikat ng araw at init para magawa iyon. Ang iba ay nagsasabi na ang mga araw na ito ay tinatawag na Tashriq dahil sila ay nagsimulang mag-alay ng hayop noong sumikat ang araw.

Ang malinaw ay ang pangalang Tashriq ay nagmula sa panahon ng Jahilliyah (bago ang pagdating ng Islam). Sa mga unang taon pagkatapos ng pagdating ng Islam, ang bawat isa sa tatlong mga araw na ito ay may sariling natatanging pangalan.

Ang paghahain ng hayop ay isang Wajib (obligado) na gawain sa mga ritwal ng Hajj sa Mina. Isinasagawa ito ng mga peregrino ng Hajj pagkatapos na makapasok sa Mina sa mga Araw ng Tashriq.

Kabilang sa iba pang mga ritwal ng Wajib sa mga Araw ng Tashriq ay ang Rami al-Jamarat (ang pagbato ng diyablo) at pananatili sa Mina hanggang hatinggabi.

Ayon sa mga teksto ng mga Hadith at Fiqhi (panghurisprudensiya), isa sa espesyal na mga gawain sa mga araw na ito ay ang Dhikr ng Takbeer (Allahu Akbar) pagkatapos ng Salah.

Binabanggit ng makasaysayang mga talaan ang ilang malalaking kaganapan na naganap sa mga araw na ito. Kabilang dito ang pagbigkas ng Surah Bira'at (At-Tawbah) sa mga manlalakbay ng Hajj ni Imam Ali (AS) sa utos ng Banal na Propeta (SKNK) sa taong 9 pagkatapos ng Hijrah at ang paglagda sa Ikalawang Kasunduan sa al-Aqabah sa ikalawang Araw ng Tashriq sa ika-13 taon pagkatapos ng Bi'thah. Ang kasunduang ito sa isang grupo ng mga Ansar ay nagbigay daan para sa Hijrah (pangingibang-bayan) ng Banal na Propeta (SKNK) sa Medina.

 

3488785

captcha