Sinabi ng mga opisyal noong Lunes na naapula na ang apoy matapos sirain ang isang moske, ilang mga tindahan, at mga tirahan.
Sinabi ng Kinatawang Komisyoner ng Srinagar, si Bilal Mohiudin, "Isang moske, ilang mga tindahan, at pangpamahayan na mga bahay ang naabo sa apoy...12 mga bombero, kabilang ang haydroliko crane, ang naipadala. Ang apoy ay nasa ilalim ng kontrol..."
"Aalamin natin ang sanhi ng sunog," sabi ni DC Mohiudin bago umalis patungo sa pook ng sunog.
Hindi bababa sa apat na bumbero ang nasugatan sa operasyon para apulahin ang apoy.
Sumiklab umano ang apoy mula sa Bazaar Masjid Bohri Kadal at mabilis na kumalat sa kalapit na mga gusali.