IQNA

Muscat: Nagpahayag ng Pagkabigla ang Dakilang Mufti sa Pagsangkot ng Oman sa Nakamamatay na Pag-atake sa Moske

11:05 - July 20, 2024
News ID: 3007267
IQNA – Ipinahayag ng Dakilang Mufti ng Oman na si Sheikh Ahmed bin Hamad Al Khalili ang kanyang sorpresa na ang mga Taga-Oman ang nasa likod ng nakamamatay na pag-atake ng terorista sa isang moske ng Shia malapit sa Muscat.

Ang pag-atake ay naganap noong Martes sa Wadi al-Kabir, isang distrito sa silangan ng kabisera ng lungsod, Muscat, habang ang Shia na mga Muslim ay nagdaraos ng mga ritwal ng pagluluksa upang markahan ang Ashura, ang anibersaryo ng pagkabayani ni Imam Hussein (AS).

Ang tatlong armadong mga lalaki, sino pumatay ng anim na mga tao sa pag-atake na inaangkin ng Daesh, ay pawang mga mamamayan ng Oman, ayon sa pulisya.

"Hindi namin inakala na ang mga may kasalanan ng krimen na nangyari ay mga mamamayan na Taga-Oman, at talagang nagulat kami dito," sabi ni Sheikh Al Khalili sa isang pahayag, iniulat ng The National News noong Biyernes.

"Ang pamantayan sa magandang bansang ito ay ang edukasyon ng Taga-Oman, sa likas na katangian, ang anumang pagsalakay laban sa isang mamamayan o tagaibang bansa dahil sa hindi pagkakasundo sa intelektwal o sekta."

Ang armadong mga lalaki ay "pinatay dahil sa kanilang pagpupumilit na lumaban sa mga tauhan ng seguridad," sabi ng Royal Oman Police.

Ang mga pagsisiyasat ay nagpapahiwatig na ang mga umaatake ay "naimpluwensyahan ng maling mga ideya," idinagdag ng pulisya.

"Anuman ang pagkakaiba sa pagitan ng mga grupo ng bansa sa pang-unawa at paniniwala o sa mga gawi ng mga ritwal sa panrelihiyon, hindi ito dapat humantong sa pagsalakay ng ilan laban sa iba sa kanilang mga banal na panrelihiyon," sabi ni Sheikh Ahmed sa isang naunang pahayag, na nagbabala na ang pag-atake "nagbubunga lamang ng poot at alitan."

Apat na mga mamamayangTaga-Pakistan, isang Indiano, at isang pulis ang napatay sa pag-atake.

 

3489178

Tags: Oman
captcha