IQNA

Ang Tsanel ng Quran na Magpapatakbo sa Ilalim ng Salawikain ng 'Sumama ka sa Diyos at sasamahan ka ng Diyos’

3:34 - August 18, 2024
News ID: 3007370
IQNA – Magsisimula ang eksperimental na paghimpapawid ng Tsanel ng Banal na Quran mula sa Sharjah, United Arab Emirates, sa Biyernes, Agosto 16, 2024.

Sisimulan ng Sharjah Broadcasting Authority ang tsanel ng Quran sa ilalim ng mga direktiba ni Sultan bin Mohammed Al Qasimi, Matataas na Konseho ng Kasapi at Tagapamahala ng Sharjah, at ang pag-asikaso ni Sultan bin Ahmed bin Sultan Al Qasimi, Kinatawan ng Tagapamahala ng Sharjah at Pinuno ng Konseho ng Sharjah Media.

Ang pagpapatakbo sa ilalim ng salawikain na " Sumama ka sa Diyos at sasamahan ka ng Diyos," ito ang mamarkahan ang inaugural Holy Quran TV channel ng bansa.

Ang pagpapakilala ng Tsanel ng Banal na Quran ay bahagi ng inisyatiba ng Sharjah Broadcasting Authority na palawakin ang media at maparating ang pang-edukasyon nito.

Ang bagong plataporma ng media na itinatag ng Sharjah Broadcasting Authority ay nakatuon sa patuloy na pagsasahimpapawid ng Banal na Quran. Nagtatampok ito ng pang-araw-araw na "Khatmah" na pagbigkas ng kilalang mga mambabasa, na nagbibigay sa mga madla ng kaginhawahan na makabot sa Quranikong mga pagbigkas sa anumang oras ng araw. Ang inisyatiba na ito ay naglalayong mag-alok sa mga madla ng walang kapantay na makamtan ang banal na kasulatan, na nagpapakita ng pambihirang mga pagbigkas at mga boses.

Ang tsanel ay magsasahimpapawid ng mga panalangin sa Biyernes, mga panalangin ng Tarawih, at mga panalangin ng Qiyam nang buhay sa panahon ng Ramadan. Magtatampok din ito ng mga eksklusibong pagbigkas ng Quran at isang hanay ng mga programang pang-edukasyon. Ang mga programang ito ay partikular na idinisenyo upang mapahusay ang pag-unawa sa mga agham ng Quran at hurisprudnsiya, na naghahatid ng pinasimple ngunit komprehensibong nilalaman sa isang malawak na madla, na ginagawang mas madali para sa kanila na maunawaan at maunawaan ang mga konsepto ng relihiyon.

Binigyang-diin ni Salem Ali Al Ghaithi, Direktor ng SBA, ang makabuluhang suporta mula sa Pinuno ng Sharjah, para sa pagtatatag ng tsanel na ito, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng proyekto at ang pagkakahanay nito sa pagsulong ng mga turo ng Banal na Quran. Ang inisyatiba ay naglalayong magbigay ng isang espesyal na plataporma ng media na naghahatid ng may layunin at nagbibigay-inspirasyong panrelihiyong nilalaman. Sa natanggap na suporta, hinahangad ng tsanel na magtakda ng tanda sa relihiyosong media, hindi lamang sa loob ng UAE kundi sa buong mundo ng Islam, na may layuning magkaroon ng positibong epekto sa mga manonood at lipunan sa pangkalahatan.

Quran Channel to Operate under Slogan of ‘Be with God and God Will Be with You’

Pinuri ni Al Ghaithi ang pambansang mga propesyonal sa media at ang masulong na teknikal na mga kakayahan ng Awtoridad, na alin makabuluhang pinadali ang paglulunsad ng tsanel na ito. Inaasahan itong maging mahusay sa pagsasahimpapawid ng pinakamagagandang pagbigkas ng Quran, na nagsisilbing pang-araw-araw na kasama ng mga manonood sa Emirates at sa mundo ng Islam. Ito ay magpapalalim sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Quran, na naghihikayat sa pagmumuni-muni at pagninilay sa mga kahulugan nito.

Si Khalifa Hassan Khalaf, Direktor ng Tsanel sa Banal na Quran at Radyo sa Sharjah, ay inaasahan na ang bagong plataporm ng media ay magsisilbing isang makabuluhang mapagkukunan sa UAE at sa rehiyon. Ang plataporm ay idinisenyo upang mag-alok ng espesyal na relihiyosong nilalaman, na tumutuon sa tuluy-tuloy na pagbigkas at mga programa sa mga agham ng Quran. Binigyang-diin ni Khalaf na ang koponan ng tsanel, na binubuo ng mga tagapaglikha at mga tekniko, ay binubuo ng mga postgraduate na pag-aaral sa Quran na nagtapos, hafiz ng Quran, at may hawak ng mga lisensiya sa sampung mga pagbabasa. Nakatuon ang koponan ng dalubhasa na ito sa paghahatid ng mataas na kalidad na nilalaman na naaayon sa mga inaasahan ng mga manonood.

Itinampok ni Khalifa Hassan Khalaf ang pagtutok ng Tsanel ng Banal na Quran mula sa Sharjah sa pagpapakita ng kahalagahan ng Quranikong mga institusyon sa Sharjah. Kabilang dito ang mga sesyon ng pagsasaulo na nauugnay sa Pundasyon ng Sharjah para sa Banal na Quran at sa Sunnah ng Propeta, pati na rin sa Programa ng Kilalang mga Tao na mga Mambabasa ng Banal na Quran Complex sa Sharjah. Itatampok din ng tsanel ang tatlong mga museo ng complex: ang Museo ng Kasaysayan ng Pagsulat ng Banal na Quran, Museo ng Pambihirang mga Pahayagan, at Museo ng Pito at Sampung mga Pagbasa. Bukod pa rito, binigyang-diin nito ang Programa ng mga Mambabasa sa Sharjah, na naglalayong bigyang pansin ang mga imam ng mga moske ng emirate.

Ang tsanel ay magiging makamtan sa Nilesat satelayt sa prikwensiya na 11013 bertikal, symbol rate 27500, at QPSK modulation na may 5/6 error correction rate. Maaari rin itong makamtan sa pamamagitan ng Etisalat Live sa tsanel 579.

 

3489520

captcha