IQNA

Nagtapos ang Akademya ng Quran sa Sharjah sa Programa ng Quran sa Tag-init

3:36 - August 18, 2024
News ID: 3007373
IQNA – Inihayag ng Akademya ng Quran sa Sharjah sa United Arab Emirates ang pagtatapos ng tag-init na programang Quraniko nito.

Sinabi nito na higit sa 3,380 na mga indibidwal ang kumuha ng mga kursong Quranikong ginanap bilang bahagi ng programa, iniulat ni Al-Watan.

Ang mga kurso ay ginanap nang personal at pangbirtuwal at may kasamang mga aralin sa pagbigkas ng Quran, Tajweed, Quranikong kaligrapiya, at pagpepreserba at pag-aayos ng mga kopya ng manuskrito, sabi nito.

Alinsunod sa pinuno ng akademya na si Khalifa Musabah Al Tunaiji, ang mga kurso sa tag-init ay ginanap sa linya ng misyon ng akademya na naglalayong ihatid at pagsamahin ang mga halaga ng tao at pagkakakilanlang Arabo at Islamiko.

Sinabi niya na ang programa ng tag-init ay nakamit ng mahusay na tagumpay sa unang edisyon nito, na may 3,382 na mga kalahok na nagparehistro nang personal at onlayn sa iba't ibang mga kurso na ipinakita ng karampatang mga eksperto.

Sinabi niya na 1082 na mga kalahok ang kumuha ng personal na mga kurso habang ang bilang ng onlayn na mga kalahok ay lumampas sa 2300.

 

3489513

captcha