IQNA

Pinuno ng Komite ng Pag-oorganisa sa Ika-41 na Paligsakan sa Quran na Pandaigdigan ng Iran ay Hinirang

19:16 - October 15, 2024
News ID: 3007600
IQNA – Hinirang si Hamid Majidimehr bilang pinuno ng komite sa pag-aayos ng ika-41 na edisyon ng Pandaigdigan na Paligsahan sa Banal na Quran ng Iran.

Si Hojat-ol-Islam Seyed Mehdi Khamoushi, ang pinuno ng Samahan ng Awqaf at Kawanggawa na mga Gawain, sa isang atas noong Sabado ay hinirang si Majidimehr bilang pangulo ng komite.

Si Majidimehr ay isang kilalang mambabasa ng Quran at may PhD sa Fiqh (Islamikong hurisprudensiya) at batas.

Dati siyang nagsilbi bilang miyembro ng mga komite sap ag-oorganisa sa pambansa at pandaigdigan na mga paligsahan sa Quran ng Iran.

Ang Ika-41 na edisyon ng Pandaigdigan na Kumpetisyon ng Banal na Quran sa Islamikong Republika ng Iran ay nakatakdang gaganapin sa hilagang-silangan na banal na lungsod ng Mashhad sa unang bahagi ng 2025.

  • Ang taunang kaganapan, na inorganisa ng Samahan ng Awqaf at Kawanggawa na mga Gawain sa Iran, ay naglalayong itaguyod ang Quranikong kultura at pagpapahalaga sa mga Muslim at ipakita ang mga talento ng mga mambabasa at mga magsasaulo ng Quran.

Head of Organizing Committee of Iran’s 41st Int’l Quran Contest Appointed

3490277

captcha