IQNA

Pangwakas na Yugto ng Ika-6 na Paligsahan sa Quran sa Morokko, Nagsimula na

6:34 - September 28, 2025
News ID: 3008903
IQNA – Nagsimula nitong Biyernes sa lungsod ng Fez ang pangwakas na yugto ng ika-anim na paligsahan sa pagbibigkas, pagsasaulo, at Tajweed ng Quran sa Morokko.

The final stage of the sixth Quran memorization, recitation and Tajweed competition of Morocco began Friday, September 26, 2025, in the city of Fez.

Ang tatlong-araw na paligsahan ay ginaganap nang onlayn sa pangunguna ng Mohammed VI Foundation of African Ulema Foundation, kasama ang pakikilahok ng mga sangay nito sa 48 na mga bansa sa Aprika, ayon sa ulat ng i3lamtv.

Mayroong 104 na lalaki at 13 na babae ang mga kalahok sa yugtong ito, na nagtatagisan sa mga kategorya ng: pagsasaulo ng buong Quran na may Tarteel ayon kay Warsh mula kay Nafi, pagsasaulo ng buong Quran na may Tarteel gamit ang iba’t ibang mga pagbasa at mga salaysay, at pagbibigkas na may kabisado nang hindi bababa sa limang Juz (mga bahagi) ng Quran.

Ang lupon ng mga hurado sa paligsahan ay binubuo ng kilalang mga iskolar at mga qari mula sa Morokko, Mauritania, Burkina Faso, Ivory Coast, Nigeria, Chad, Central African Republic, Sudan, Ethiopia, Tanzania, at Somalia.

Nagtipon sila sa lungsod ng Fez upang suriin ang mga pagtatanghal ng mga kalahok. Ang mga aktibidad ng paligsahan ay naitatampok at naipapadala sa mga interesado sa pamamagitan ng plataporma ng Zoom, at isang teknikal na pangkat mula sa Fez ang nangangasiwa sa pagbrodkas ng kaganapan.

Noong Mayo at Hunyo 2025, nag-organisa ang pundasyon ng isang panrehiyong paligsahan sa mga sangay nito sa mga bansang Aprikano, at nagsagawa rin ng lokal na mga kumpetisyon para sa bawat disiplina sa 48 na mga sangay upang piliin ang mga pangwakas.

Ang pagpapalakas ng ugnayan ng mga kabataang Muslim sa Aprika sa Quran at ang paghikayat sa kanila na magsaulo at bumigkas ng Banal na Aklat ay inihayag bilang isa sa mga layunin ng paligsahang ito.

 

3494766

captcha