IQNA

‘Ama ng mga Qari’: Pinarangalan ng Al-Azhar si Sheikh Mohammed al-Sayfi

16:20 - September 29, 2025
News ID: 3008907
IQNA – Sa anibersaryo ng kanyang pagpanaw, pinarangalan ng Pandaigdigan na Sentro ng Fatwa ng Al-Azhar si Sheikh Mohammed al-Sayfi, na inilarawan bilang “Ama ng mga Qari” at isang pangmatagalang simbolo ng tunay na pagbasa ng Quran.

‘Father of Qaris’: Al-Azhar Honors Sheikh Mohammed al-Sayfi

Ang pagpupugay ay bahagi ng proyektong “Qudwa” (Huwaran) ng Al-Azhar, na alin nagtatampok ng kilalang mga personalidad sa larangan ng Islamikong kaalaman. Ika-25 ng Setyembre ang anibersaryo ng pagpanaw ni Sheikh al-Sayfi.

“Si Sheikh Mohammed al-Sayfi ay isang natatanging tao sa pagbasa ng Quran at sa mga agham Islamiko. Pinagsama niya ang kahusayan sa sampung kanonikong mga pagbasa sa Quran kasama ang pagpapakumbaba at debosyon,” ayon sa pahayag ng sentro na iniulat ng lokal na midya.

Ipinanganak noong 1885 sa nayon ng al-Barada’a sa lalawigan ng Qalyubia, nakabisado ni al-Sayfi ang buong Quran sa edad na sampu. Noong 1904, lumipat siya sa Cairo at nagtapos sa Departamento ng Sharia at Batas ng Unibersidad ng Al-Azhar noong 1910. Ang kanyang mga pag-aaral at dedikasyon ang nag-angat sa kanya bilang isang nangungunang iskolar sa batas, mga agham Quraniko, at sining ng pagbasa.

Lumaganap ang kanyang katanyagan sa buong Ehipto at maging sa ibang bansa, na nagkamit sa kanya ng bansag na “Abu al-Qurra,” o “Ama ng mga Mambabasa.” Nagsanay siya ng isang salinlahi ng nangungunang mga qari, kabilang ang yumaong si Sheikh Kamel Yusuf al-Buhteimi, at umabot ang kanyang impluwensiya sa parehong mga iskolar at publiko.

Ang naitalang mga pagbasa ni al-Sayfi ay ipinalabas sa Radyong Ehiptiyano at naiparinig sa ibang bansa sa pamamagitan ng mga estasyon sa London, Berlin, at Moscow. Lumahok din siya sa pagbubukas ng Radyo Quran ng Ehipto, kung saan isa siya sa unang mga bumasa matapos itong maitayo.

Kilala sa kanyang pagpapakumbaba at makapangyarihang tinig, pinanatili niya ang malapit na pagkakaibigan sa iba pang tanyag na mga qari kagaya nina Sheikh Mohammed Rifaat, Sheikh Ali Mahmoud, at Sheikh Taha al-Fashni.

“Ang pagbasa ni Sheikh al-Sayfi ay nagtaglay ng diwa ng paggalang at naghatid ng mensahe ng Quran sa buong mundo,” dagdag ng sentro ng Al-Azhar.

Pumanaw si al-Sayfi noong Setyembre 1955 sa edad na 70.

Narito ang kanyang pagbasa ng mga talata 57–78 ng Surah al-Kahf.

  

3494771

Tags: Al-Azhar
captcha