IQNA

Nakumpleto ang Pagsasalin ng Quran sa Wikang Cirebonese sa Indonesia

16:55 - November 02, 2024
News ID: 3007667
IQNA – Kinumpirma ng Kagawaran ng mga Gawaing Panrelihiyon ng Indonesia ang pagkumpleto ng isang proyekto para sa pagsasalin ng Quran sa wikang Cirebonese.

Ang wikang Cirebonese ay isang lokal na wika ng Indonesia na may kaugnayan sa Javanese at Banyumasan.

Si Ahmed Yani, sino nanguna sa proyekto ng pagsasalin, ay nagsabi na ang pagsasalin ay naglalayong itaguyod ang pag-unawa sa Quran sa mga nagsasalita ng wika.

Makakatulong din ito upang mapanatili ang wika, na alin isang pangkultura na simbolo ng rehiyon, na kinabibilangan ng Cirebon, isang daungan na lungsod sa hilagang baybayin ng isla ng Java ng Indonesia, sinabi niya.

Ang proyekto ng pagsasalin na nagsimula noong 2020 ay may kasamang koponan ng mga tagapagsalin, sabi niya.

Kasama rin sa koponan ang mga dalubhasa sa Quran pati na rin ang mga akademya at mga eksperto sa kultura ng Cirebonse, idinagdag ni Yani.

Sinabi pa niya na 300 na mga kopya ng pagsasalin ang nailathala at ipapamahagi sa pagitan ng relihiyosong mga grupo at may mga plano para sa paggawa din ng digital na bersyon ng pagsasalin.

Si Muhammad Isam, isang opisyal ng kagawaran sa mga gawaing panrelihiyon sa Indonesia ay nagpasalamat sa mga pagsisikap ng pangkat ng pagsasalin at kinumpirma na isa sa mga layunin ng proyekto ay ang pagpapanatili ng wikang Cirebonese.

Sinabi niya na ito ay isa sa sampung lokal na mga wika ng Indonesia na kasama sa isang Quraniko na pagdigital na plano.

 

3490504

captcha