IQNA

Nangunguna si Muhammad sa Listahan ng Pinakatanyag na mga Pangalan ng Sanggol para sa mga Lalaki sa UK

18:02 - December 07, 2024
News ID: 3007797
IQNA – Ayon sa pinakahuling datos mula sa Office for National Statistics (ONS), si Muhammad ang naging pinakasikat na pangalan ng sanggol para sa mga lalaki sa England at Wales noong 2023.

Nagmarka ito ng makabuluhang pagbabago, dahil ang pangalan ay nasa nangungunang 10 mula noong 2016 at ito ang pangalawa sa pinakasikat noong 2022, iniulat ng Express noong Huwebes.

Ang pangalan ng Propeta ng Islam (SKNK), na alin sa Arabik ay nangangahulugang "kapuri-puri" o "maipagkakapuri," ay nalampasan na ngayon si Noah, na alin humawak ng pinakamataas na puwesto noong 2021 at 2022.

Binubuo ng ONS ang datos na ito batay sa rehistradong mga buhay na panganganak sa England at Wales, na sinusuri iyon bawat taon upang matukoy ang pinaka at hindi gaanong sikat sa mga pangalan.

Habang si Muhammad ang nangungunang pangalan sa apat sa siyam na mga rehiyon sa England, ito ay niraranggo sa ika-63 sa Wales. Sa kabuuan, 4,661 na mga sanggol ang pinangalanang Muhammad sa buong England at Wales, kumpara sa 4,382 na pinangalanang Noah.

Ang datos ay nagpapahiwatig din na si Muhammad ay partikular na bantog sa mga ina na may edad 25 pataas.

Ang pangalan ay may iba't ibang mga baybay, at kung ang mga ito ay pinagsama sa nakaraang mga taon, si Muhammad ay mas maagang naranggo na bilang uno.

Sa kabila ng iba't ibang mga baybay, ang pangkalahatang katanyagan ng pangalan ay tumataas sa maraming kultura na mga lipunan.

 

3490948

captcha