Ang kumperensiya at pagtatanghal ay nakatakda sa Enero 13-16, 2025.
Ang Saudi na Kawagaran ng Hajj at Umrah, kasama ang Programa ng Karanasan sa Peregrino, ay magpunong-abala ng kumperensiya na pagtitipon ng mga ministro, mga embahador, mga academiko, mga dalubhasa, mga diplomat, at mga kinatawan mula sa pribado at pampublikong mga institusyon sa 87 na mga bansa.
Nilalayon nitong pahusayin ang kalidad ng mga serbisyong ibinibigay sa Muslim na mga peregrino, pagyamanin ang pagpapalitan ng mga karanasan, at isulong ang pagiging mapagkumpitensiya at aninaw sa mga kumpanyang kasangkot sa mga gawain sa Hajj sa Mekka at Medina.
Itatampok nito ang higit sa 100 mga tagapagsalita, 47 na lupon ng mga pagtatalakay, at 50 na paggawaan para tugunan ang mga hamon ng pagpapahusay ng mga serbisyo ng Hajj at tuklasin ang mga paraan upang suportahan ang makabagong mga proyekto sa sektor ng paglalakbay.
Sa tabi ng kumperensiya, isang espesyal na eksibisyon na sumasaklaw sa isang lugar na 50,000 metro kuwadrado sa Jeddah ay magtatampok ng 280 na mga nagtatanghal mula sa iba't ibang mga sektor upang ipakita ang pinakabagong mga teknolohiya, katulad ng artipisyal na katalinuhan (artificial intelligence), upang mapahusay ang Hajj.
Ang pinakabagong edisyon ng kumperensiya ay nagresulta sa paglagda ng 202 na mga kasunduan sa kooperasyon upang mapabuti ang mga serbisyo ng Hajj at umakit ng mahigit 100,000 na mga bisita mula sa 87 na mga bansa.
Hinimok ng Saudi na Kagawaran ng Hajj at Umrah ang mga indibidwal at mga organisasyon na irehistro ang kanilang interes sa paglahok sa susunod na edisyon ng kumperensiya sa Enero sa hajjconfex.com.