IQNA

82-Taong-gulang Kabilang sa mga Nanalo ng Paligsahan sa Quran ng Kuwait

12:02 - December 21, 2024
News ID: 3007847
IQNA – Inihayag ng Departamento ng Awqaf sa Kalihiman ng Kuwait ang mga pangalan ng mga nanalo sa Ika-27 Pambansang Kumpetisyon sa Pgsasaulo at Pagbigkas ng Quran.

Kabilang sa mga nanalo ng nangungunang mga titulo ang isang 82 taong gulang na lalaki, ayon kay Nasser al-Hamad, pinuno ng kalihiman.

Sa pagsasalita sa isang panayam ng peryodista sa Lungsod ng Kuwait, sinabi niyang 21 na mga lalaki at na mga babae ang nanalo ng nangungunang mga premyo, ang pinakamatanda sa kanila ay 82 taong gulang.

Ang kabuuang bilang ng mga pangwakas na talaan sa kumpetisyon ay umabot sa 2,900 na mga kalahok, kabilang ang 1,330 na mga lalaki at 1,570 na mga kababaihan, sinabi niya.

Idinagdag ni Al-Hamad na ang bilang ng mga nanalo sa kategorya ng mga espesyal na pangangailangan ay 22, na binubuo ng mga kalalakihan at mga kababaihan.

Ang Asosasyon ng mga Kasanayang Quraniko ay nanalo ng Pangkalahatang Tagumpay Award, ang Samahan ng mga Repormang Panlipunan ay tumanggap ng Gintong Kalasag, ang Pilak na Kalasag ay iginawad sa Samahan ng mga Babae ng Beyadar Al-Salam, at ang Samahan ng Mabarat Al-Mutamayazeen ay tumanggap ng Tansong Kalasag para sa mga kontribusyon nito sa Quraniko at panrelihiyong mga agham, sinabi niya.

Sinabi rin ng opisyal na ang kumpetisyon ay nagpakita ng progresibong katayuan ng Kuwait sa rehiyon at sa mundo sa mga tuntunin ng paglilingkod sa Banal na Aklat.

 

3491117

captcha