Ang video na ibinahagi ng ahensiya ng pagliloigas sa Telegram channel nito noong Biyernes ay nagpakita ng paghila ng mga manggagawa sa mga biktima mula sa mga labi ng tahanan ng pamilya sa Jabalia. Si Mahmoud Basal, isang tagapagsalita ng ahensya, ay kinumpirma sa AFP na ang pagsalakay sa himpapawid ay ikinasugat ng 15 iba pa.
Nasa anim na taong gulang pababa ang mga bata.
Nagpatuloy ang mga pagsalakay sa himpapawid sa buong Gaza noong Biyernes, na nagpalawak ng mabangis na pagsalakay na nanatili sa loob ng mahigit 14 na mga buwan.
Sa isang hiwalay na insidente, walong tao ang napatay sa kampo na taong takas sa Nuseirat nang ang isang gusali ng tirahan ay tinamaan ng drone misayl, ayon sa Al-Aqsa Martyrs Hospital.
Bukod pa rito, apat na tao, kabilang ang dalawang batang babae at kanilang mga magulang, ang namatay sa Beit Hanoon kasunod ng isa pang pagsalakay sa himpapawid, iniulat ng Al Jazeera.
Nakuha din ng mga koponan ng pagligtas ang bangkay ng tatlong mga magkakapatid mula sa mga guho ng binomba na tahanan malapit sa Kamal Adwan Hospital.
Ang lumalalang makataong kalagayan sa Gaza ay nagdulot ng babala mula kay Louise Wateridge, Nakakataas na Emerhensiya na Opisyal para sa United Nations Relief and Works Agency (UNRWA).
Sa pagsasalita mula sa kampo ng Nuseirat, inilarawan niya ang Gaza bilang isang "libingan," na may higit sa dalawang milyong mga residente na nakulong sa gitna ng malagim na mga pangyayari.
"Karamihan sa mga tao ay naninirahan sa ilalim ng tela, walang maayos na tirahan," sabi ni Waterridge. "Sa 69 porsiyento ng mga gusaling nasira o nawasak, ang mga pamilya ay walang matakasan sa mga elemento. Imposibleng masilungan sa mga kondisyong ito."
Ang pagsalakay ng Israel sa Gaza ay pumatay ng hindi bababa sa 45,206 na mga Palestino at nasugatan ng 107,512 mula noong Oktubre 7, 2023.