Ang Bahay ng mga Nag-iisip ng Makataong Sining sa kabisera ng Iran ang nagpunong-abala ng seremonya noong Miyerkules.
Maraming mga paksa ang binigyang-diin ng mga tagapagsalita sa kaganapan, kabilang ang banal na pagsasaayos ng mga kabanata ng Quran, ang pangangalaga ng Quranikong iskrip sa buong siglo, ang kawalan ng pagbaluktot sa Quran, at ang pangangailangan para sa karagdagang pananaliksik sa mga manuskrito ng Sahabah ( mga kasamahan ng Banal na Propeta (SKNK)).
Seyed Kamal Haj Seyed Javadi, ang mananaliksik ng gawaing ito, ay nagsabi sa isang talumpati na ang pananaliksik para sa aklat ay tumagal ng 20 mga taon.
Sinabi niya na dalawang mga tomo na ang nailathala sa ngayon, at ang ikatlong tomo, na alin nakasulat sa magkaibang papel sa halip na pergamino, ay mailathala sa lalong madaling panahon.
Ang unang bahagi ng pananaliksik na ito ay nakatuon sa kasaysayan ng pagtitipon ng Quran, sinabi niya.
Idinagdag ni Haj Seyed Javadi na ang pananaliksik na ito ay nagpapatunay na ang lahat ng mga Muslim ay sumasang-ayon na ang Quran ay hindi binago; wala ni isang titik o salita ang nadagdag o naalis.
Nalutas din ang talakayan hinggil sa pagkakaiba ng mga pagbigkas at ang paghahayag batay sa isa o pitong mga titik, na nagpapatunay na ang paghahayag ay batay sa isang titik, na alin siyang wikang Quraish, sabi niya.
Ang isa pang konklusyon ng pananaliksik na ito ay ang iskrip, o mas partikular na ang iskrip ng Quran, ay napanatili sa mga salinlahi sa buong kasaysayan at hindi dapat baguhin sa anumang kadahilanan, idiniin niya.
“Ang unang koleksyon na ipinakilala sa mga manuskrito na ito ay ang manuskrito ng Sana’a, na alin sinasabing mula pa noong taong 35 AH (Pagkatapos ng Hijra). Bukod pa rito, ang mga pag-aangkin na ang Quran ay may iba't ibang mga kaayusan ng mga Surah ay hindi pinatunayan."
Sinabi pa niya na ang pangalawang tomo ng koleksyong ito ay ang manuskrito ng Lumang Moske ng Cairo, na itinayo noong 75 AH, na kilala bilang Hijazi Quran. “Ang ikatlong manuskrito ay mula rin sa kaban ng bayan ng Lumang Moske ng Cairo, na nakuha ng mga orientalista at ngayon ay nasa iba't ibang mga bansa. Sa pagtatapos ng unang tomo ng aklat na ito, nagsulat ako ng isang detalyadong panimula sa Ingles upang punahin ang mga pahayag ng mga orientalista.
Sinabi pa ni Haj Seyed Javadi na sa ikalawang tomo, mayroong mga dahon ng pergamino mula sa mga taong 24 hanggang 75 AH.
Idinagdag niya na kasama rin dito ang mga dahon ng pergamino mula sa ikalawang kalahati ng ikalawang siglo AH at isang pinagkalooban na manuskrito mula sa Astan Quds Razavi.
"Ang teksto ng Quran, na isinulat ni Uthman Taha, ay kasama upang maihambing at mapagtanto ng mga mananaliksik na ang mga pagbabago sa pagsulat ng Quran ay simpleng mga pagbabagong ortograpiya lamang. Sa madaling salita, kamangha-mangha, walang mga pagbabago sa mga manuskrito ng Quran mula 24 AH hanggang sa kasalukuyan, at maipagmamalaking sabihin na ang Quran ay ang tanging sagradong aklat na hindi nabago."