IQNA

Tinutuklasan ng Pagtatanghal sa Tunis ang Impluwensiya ng Quran sa Kaisipang Uropiano

16:43 - February 18, 2025
News ID: 3008065
IQNA – Ang Pambansang Aklatan ng Tunisia ay nagpasinaya ng isang eksibisyon na nagsusuri sa impluwensiya ng Banal na Quran sa Uropa.

Pinamagatang, "Ang Quran sa Pamamagitan ng Mata ng Iba," ang kaganapan ay tatakbo hanggang Abril 30. Inorganisa sa pakikipagtulungan ng National Heritage Institute at Research Institute on Contemporary Maghreb, ang eksibisyon ay naggalugad sa epekto ng Quran sa Uropiano pilosopiko, panrelihiyon, at pangkultura na kaisipan mula sa Gitnang mga Kapanahonan (Middle Ages) hanggang sa modernong panahon.

Ang eksibisyon ay nagpapakita ng higit sa 80 bihirang mga manuskrito at makasaysayang mga dokumento, ang ilan ay mula sa mga institusyong Tunisiano at ang iba ay hiniram mula sa pandaigdigan na mga museo, ayon sa panlabas na media ng Tunisiano.

Nag-aalok ito ng bagong pananaw sa kung paano pinag-aralan ang Quran at pinagtatalunan sa mga intelektwal at pangkultura na mga pangkat sa buong Uropa.

Gamit ang modernong mga pamamaraan sa pagpapakita, kabilang ang inter-aktibo na mga puting-tabing, digital na mga mapa, at mga bahagi ng video, ang eksibisyon ay nagbibigay sa mga panauhin ng isang nakakaengganyo na biswal at makasaysayang karanasan.

"Ang proyektong pananaliksik na ito, na inilunsad noong 2019 na may pagpopondo mula sa European Research Council, ay isang makabuluhang hakbang sa suporta ng Unyong Uropiano para sa pangkultura na mga inisyatiba," sinabi ni Khaled Ksher, Direktor ng Pambansang Aklatan ng Tunisia, sa Tunis Afrique Presse.

Binibigyang-liwanag din ng eksibisyon ang makasaysayang paggalaw ng mga manuskrito ng Quran sa pagitan ng Hilagang Aprika at Uropa, na nagpapakita ng mga materyales sa arkibal na nagpapakita kung paano naging paksa ng intelektwal na diskurso ang Quran sa parehong gitnang kapanahonan at modernong Uropa.

Napansin ni Ksher na ang ilan sa Islamikong mga manuskrito na pinapakita ay ninakawan sa panahon ng pagsalakay ng mga Espanyol sa Tunis noong 1535. Maraming mga tekstong Quranikong at iskolar na mga gawa ang naipuslit sa Uropa sa pamamagitan ng mga himpilan ng pagpapalitan ng kultura, partikular sa Espanya, Alemanya, at Italya.

"Ang ilan sa mga manuskrito na ito, na pinalamutian ng masalimuot na mga palamuti at natatanging gintong mga palamuti, ay naging bahagi ng pribadong mga koleksyon at prestihiyosong mga museo," paliwanag ni Ksher. "Hindi lamang sila itinuring na panrelihiyong mga teksto kundi pati na rin bilang mahalagang artistikong at makasaysayang mga artepakto."

Higit pa sa makasaysayang pagtatanghal nito, ang eksibisyon ay nagtataas ng mas malalim na mga katanungan tungkol sa lugar ng Quran sa kasaysayan ng intelektwal na Uropa. Sinusuri nito ang papel nito sa mga debateng pilosopikal, partikular pagkatapos ng pagkalat ng mga pagsasalin ng Quran sa modernong mga panahon.

 

3491880

captcha