Ang Sentrong Agham ng Quran at Hadith, na kaanib sa Astan (pangangalaga) ng banal na dambana ni Imam Hussein (AS), ay nag-organisa ng kombensiyon na may layuning pahusayin ang mga pakikipag-ugnayan sa Quran at palakasin ang mga ugnayang pang-eskolar at espirituwal.
Ang mga aktibista ng Quran ay mula sa mga bansa katulad ng Senegal, Indonesia, Ivory Coast, Comoros Islands, Pakistan, Afghanistan, India, Tajikistan, Nigeria, Tanzania at Trinidad at Tobago.
Si Sheikh Ali Marza, pinuno ng sentro, ay nagsabi, "Kami ay masaya na kasama namin ang Quranikong grupong ito, at kami ay nangangako na patuloy na suportahan at parangalan sila sa kanilang paglilingkod sa Aklat ng Diyos, dahil ang pag-uugnay sa mga pusong Muslim sa liwanag ng Quran ay ang pinakamataas na layunin na sinisikap naming makamit sa pamamagitan ng pandaigdigang pakikipagtulungan."
Nabanggit niya na sa panahon ng kombensiyon, pinahahalagahan ng sentro ang mga tagumpay at pagsisikap ng mga mambabasa at mga magsasaulo ng Quran.
Ang Quranikong pagtitipon ay ginanap alinsunod sa taunang mga serye ng mga aktibidad ng sentro na naglalayong gawing institusyonal ang kultura ng Quran, ipagdiwang ang mga talento ng Quran sa iba't ibang mga bansa at bigyang-diin ang papel ng Astan sa pagsuporta sa mga gawaing pang-eskolar at relihiyon, sabi niya.
Sinabi pa ni Sheikh Ali Marza na ang sentro ay magpapatuloy sa pagdaraos ng naturang pandaigdigan na mga programa, isinasaalang-alang ang epekto nito sa pagpapalakas ng mga buklod ng Quranikong kapatiran sa pagitan ng mga bansa at pagtataguyod ng diwa ng iskolar at espirituwal na kooperasyon.