IQNA

Inilunsad ng Ehipto ang Unang Pambansang Onlayn na Paligsahan sa Pagsasaulo at Pagbigkas ng Quran

19:42 - July 16, 2025
News ID: 3008645
IQNA – Inanunsyo ng Kagawaran ng Awqaf ng Ehipto ang paglulunsad ng kauna-unahang pambansang onlyan na kumpetisyon sa pagsasaulo at pagbigkas ng Quran sa bansa.

Egypt Launches First Nat’l Online Quran Memorization, Recitation Competition

Ayon sa ulat ng Al-Mobtada, sinabi ng ministeryo na ang kumpetisyon ay ginaganap sa pamamagitan ng Pangkalahatang Departamento ng Quranikong mga Gawain nito at bahagi ng mas malawak na programa nito para sa mga inisyatiba na nakatuon sa Quran.

Sinabi ng kagawaran na ang kaganapan ay "naglalayong suportahan ang mga nakatuon sa Quran at hikayatin ang pakikilahok sa mga aktibidad ng Quran sa pamamagitan ng digital na mga plataporma."

Limitado ang paglahok sa mga indibidwal na regular na dumadalo sa onlayn na mga sesyon ng pag-aaral ng Quran na nakabase sa Ehipto. Ang mga kandidato ay dapat ding pumasa sa mga paunang pagtatasa sa pagsasaulo at pagbigkas upang maging karapat-dapat.

Kasama sa nakasaad na mga layunin ng kumpetisyon ang paghikayat sa mga kabataan at mga binatilyo na makisali sa Quran, paglikha ng isang ligtas at sumusuporta sa onlayn na kapaligirang pang-edukasyon, at pagkilala sa natatanging mga indibidwal sa pagsaulo at pagbigkas ng Quran.

Ang kumpetisyon ay nagtatampok ng ilang mga kategorya, kabilang ang pagsasaulo ng buong Quran na may tajwid, kalahati, tatlong-kapat, at isang-kapat na pagsasaulo ng Quran na may tajwid, pati na rin ang pagbigkas at pagganap ng tajwid.

Sa pagtatapos ng kumpetisyon, ang mga kalahok na mahusay na gumaganap ay makakatanggap ng opisyal na kinikilalang Quranikong mga sertipiko sa pagsasaulo at pagbigkas, kasama ang mga premyong salapi.

Iniulat ng kagawaran na may kabuuang 96 na malalayong sesyon ng pagsasaulo ng Quran ang isinagawa sa ngayon, na may 1,776 na mga indibidwal na lumahok—ang mga bilang sinasabi nitong nagpapakita ng makabuluhang interes sa inisyatiba.

 

3493839

captcha