IQNA

Kumilos ang Ehipto na Magsaayos ang Pag-isyu ng mga Fatwa Gamit ang Bagong Batas

16:52 - July 18, 2025
News ID: 3008647
IQNA – Pumasok ang Ehipto sa isang bagong yugto sa pagsugpo sa kaguluhan sa pag-iisyu ng mga fatwa (relihiyosong mga kautusan), na may mga pagsisikap na isinasagawa upang maipasa ang isang batas na kumokontrol sa mga fatwa, ayon kay Ismail Duwaidar, pinuno ng Radyo Quran ng bansa.

Head of Egypt’s Quran Radio Ismail Duwaidar

"Ang pagsasalita ay isang pagtitiwala, at ang pagbibigay ng mga fatwa ay isang malaking responsibilidad. Ang pag-iingat sa dila ng isang tao ay isang pangangailangan," sabi ni Duwaidar sa pagbubukas ng isang programa sa pagsasanay para sa mga mamamahayag sa Dar al-Ifta, ang opisyal na lupon na nagbibigay ng fatwa ng Ehipto.

Binigyang-diin niya na ang Ehipto ay malapit nang ipatupad ang isang batas upang ayusin ang mga fatwa, na nagmamarka ng isang makabuluhang hakbang sa pagtugon sa mga hindi reguladong relihiyosong mga pasya.

Pinuri ni Duwaidar ang inisyatiba bilang "isang mahalagang pagsisikap na ihatid ang mensahe ng Islam at itaguyod ang kamalayan na Islamiko".

Binigyang-diin din niya ang pangangailangan para sa mas malakas na pagtutulungan sa pagitan ng mga institusyong panrelihiyon at media upang maipalaganap ang hustisya sa buong mundo.

Naisapinal na ng Kamara ng mga Kinatawan ng Ehipto ang batas na "Regulation ng Panrelihiyon na mga Fatwa", na lumilikha ng legal na balangkas upang pangasiwaan ang mga fatwa sa bansa. Ang batas ay dumating bilang tugon sa pagtaas ng mga hindi regulado na mga pahayag, na nagdulot ng malawakang kontrobersya sa lipunan ng Ehipto.

Bagama't ang batas ay tinatanggap ng Al-Azhar, ng Kagawaran ng Awqaf, at ng Dar al-Ifta, nagtaas ito ng mga alalahanin sa pagitan ng ilang mga grupo, partikular na ang Sindikato ng mga Mamahayag, na alin tumitingin sa ilang mga probisyon bilang banta sa kalayaan sa pamamahayag.

Ayon sa iminungkahing batas, ang awtorisadong mga samahan lamang—gaya ng Konseho ng Matataas na mga Iskolar, Akademya sa Pagsusuri na Islamiko ng Al-Azhar, at Dar al-Ifta—ang maaaring maglabas ng pampublikong mga fatwa na nakakaapekto sa mas malawak na lipunan.

Ang pribadong mga fatwa, na nauukol sa mga indibidwal, ay dapat na ibigay ng mga komite ng fatwa sa ilalim ng Kagawaran ng Awqaf, sa kondisyon na natutugunan nila ang mga pamantayang pang-akademiko ng Al-Azhar.

Ang mga panlabas na media ay pinagbabawalan na maglathala ng mga fatwa na hindi inilabas ng itinalagang mga samahan na ito. Ang mga lumalabag ay nahaharap sa mga parusa, kabilang ang hanggang anim na mga buwang pagkakulong at multa na hanggang 100,000 na Ehiptiyano na mga libra.

Ipinagtanggol ng gobyerno ang batas bilang isang "pambansa at panrelihiyong pangangailangan" upang magkaroon ng kaayusan sa pagpapalabas ng fatwa. Ito ay nagpapataw ng mahigpit na kuwalipikasyon para sa mga mufti (mga huristang Islamiko) at naglalayong pigilan ang mapanlinlang o ekstremistang mga pasya.

 

3493850

captcha