IQNA

1,600 na mga Moske sa Tatarstan ang Nagsagawa ng mga Programa para sa Pagdiriwang ng Milad-un-Nabi

18:09 - August 31, 2025
News ID: 3008799
IQNA – Inanunsyo ng Kagawaran ng mga Gawaing Panrelihiyon ng mga Muslim sa Republika ng Tatarstan, Russia, ang pagsasagawa ng mga serye ng marangyang mga pagdiriwang at mga programang panrelihiyon at pangkultura kaugnay ng anibersaryo ng kapanganakan ng Propeta (SKNK).

A mosque in Russia’s Republic of Tatarstan
Mahigit 1,600 na mga moske sa republika ang nagsasagawa ng mga programa, na alin nagsimula noong Biyernes, ayon sa muslimsaroundtheworld.com. Taun-taon, nararanasan ng mga Muslim sa Tatarstan ang isang espirituwal na kapaligiran sa bansa tuwing buwan ng Rabi al-Awwal, kung kailan ipinagdiriwang ang anibersaryo ng kapanganakan ng Banal na Propeta (SKNK), na kilala bilang Milad-un-Nabi.

Sa taong ito, nakaplanong magsagawa ang Kagawaran ng mga Gawaing Panrelihiyon ng mga Muslim ng mga serye ng mga pagdiriwang, mga programa, at mga aktibidad sa mahigit 1,600 na mga moske at 48 na nmga rehiyon, kabilang ang siyentipikong mga seminar, mga kumperensya, mga aktibidad na pangkultura at pansining, paligsahan, at mga palarong pampalakasan.

Nagsimula ang unang pangunahing mga kaganapan noong Biyernes, Agosto 29, sa Kazan, ang kabisera ng Tatarstan, sa pamamagitan ng isang pampublikong pagdiriwang sa plasa na ipinangalan sa dakilang siyentistang Tatar na si Shahabuddin Marjani sa Lumang Distrito ng Tatar.

Inaasahang dadagsain ng malaking bilang ng komunidad ng Tatar at ng residenteng mga Muslim ang piyesta, dahil naglalaman ito ng iba’t ibang programa na pinagsasama ang diskursong panrelihiyon at mga tapat na segmentong pangkultura at pansining.

Gayundin, sa Setyembre 4, ang Puting Moske ng makasaysayang lungsod ng Bulgar ang magsasagawa ng isang malaking sentral na kaganapan upang gunitain ang anibersaryo ng kapanganakan ni Propeta Muhammad (SKNK).

Ayon kay Erik Arslanov, pinuno ng kagawaran, sa isang pres-konperensiya sa Kazan, ang mga programa ngayong taon ay ginaganap bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-1,500 anibersaryo ng kapanganakan ng Propeta (SKNK). 

Tampok sa piyesta ngayong taon ang mga iskolar ng panrelihiyon at mga bumibigkas ng Quran, at kabilang sa mga programa ang mga pagtatanghal na pampelikula na hango sa buhay ng Propeta (SKNK), mga awit panrelihiyon sa wikang Arabik at Ruso ng koro ng Nashid al-Islam, espesyal na mga paligsahan para sa mga bata, at nakalaang mga bahagi ng sining na ihahandog ng mga artistang Tatar.

 

 

3494420

captcha