Ayon sa opisyal na ahensiya ng balita ng Iraq, sinimulan ng mga peregrino ang kanilang paglalakbay nang naglalakad patungong lungsod ng Samarra noong Biyernes, Agosto 29, upang dumalo sa mga seremonya ng pagluluksa sa malungkot na okasyong ito na gaganapin sa Lunes.
Inaasahan ang malaking bilang ng mga peregrino na magtitipon sa banal na mga dambana nina Imam Hadi (AS) at Imam Hassan Al-Askari (AS) sa Samarra sa Lunes.
Ang mga puwersa ng seguridad ay ipinuwesto upang matiyak ang kaligtasan ng lungsod at ng mga peregrino.
Ang may-ari ng mga Moukeb (mga himpilan ng serbisyo) ay patuloy ding nagbibigay ng mga serbisyo sa mga perrgrino sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga tolda at pamimigay ng pagkaing handog at mga inumin.
Inanunsyo ng kagawaran ng kalusugan sa lalawigan ng Salahuddin ang isang plano upang magbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga peregrino, at binanggit na may 30 na mga yunit medikal na ipinuwesto para magsilbi sa mga peregrino.
Ang pagkabayaniu ni Imam Hassan Al-Askari (AS), ang ikalabing-isang Imam, ay naganap noong ika-8 ng Rabi' al-Awwal, taong 260 AH.
Siya ay nanirahan sa lungsod ng Samarra, na matatagpuan sa kasalukuyang Iraq, at ginugol ang karamihan ng kanyang buhay sa ilalim ng mahigpit na pagbabantay ng mga Abbasid Caliph. Ang pagkabayani ni Imam Hassan Al-Askari (AS) ay kabilang sa mga araw ng pagluluksa sa kalendaryong Shia.