IQNA

Pinarangalan ang mga Nagwagi sa Paligsahan para sa mga Mag-aaral ng Quran sa Iraq

13:01 - September 01, 2025
News ID: 3008804
IQNA – Isang paligsahan sa Quran ang isinagawa para sa nangungunang mga mag-aaral na lumahok sa mga kursong Quranikong tag-init na inorganisa ng Banal na Quran na Siyentipikong Kapulungan na kaanib ng Astan (pangangalaga) ng banal na dambana ni Hazrat Abbas (AS). Ang paligsahang Quran na pinamagatang ‘Al-Saqqa’ ay inorganisa ng kapulungan sa lungsod ng Al-Hindiyah, na matatagpuan sa lalawigan ng Karbala, ayon sa ulat ng Al-Kafeel.

Winner of a Quran competition is honored in Iraq

Idinaos ito sa inisyatiba ng sangay ng Kapulungan sa Al-Hindiyah na may layuning ipakita ang kakayahang Quraniko ng mga kalahok sa mga kursong Quraniko.

Ayon kay Yousef Al-Wazir, pinuno ng yunit ng midya sa sentro, labingwalong mga mag-aaral ng Quran mula sa iba’t ibang mga bahagi ng lungsod at mga karatig-baryo ang lumahok sa paligsahan. 

Kasama sa paligsahan ang iba’t ibang mga bahagi sa larangan ng pagsasaulo at pagbigkas ng Quran, gayundin ang pagsagot sa mga tanong ukol sa batas Islamiko at ideolohiya, na isinagawa sa ilalim ng pangangasiwa ng isang espesyal na komiteng tagapaghusga, sabi niya.

Sinabi niya na si Sheikh Anas al-Fatlawi, isang mataas na kleriko, ay nagsalita sa seremonya upang parangalan ang mga nagwagi, at ipinaliwanag ang papel ng mga programang Quraniko ng Astan sa pagtuturo at paggabay sa mga salinlahi sa pinakamainam na paraan. 

Ang Kapulungang Siyentipiko ay nagsasagawa ng iba’t ibang mga programang Quraniko sa Iraq at sa ilang ibang mga bansa upang ipalaganap ang mga katuruan ng Banal na Aklat at itaguyod ang kulturang ito sa lipunan. 

Malaki ang naging pag-unlad ng mga gawaing Quraniko sa Iraq mula nang mapatalsik ang dating diktador na si Saddam Hussein noong 2003.

Nagkaroon ng tumataas na bilang ng mga programang Quraniko kagaya ng mga paligsahan, mga sesyon ng pagbibigkas, at mga programang pang-edukasyon na idinaraos sa bansa nitong nakaraang mga taon.

Winners of Competition for Quran Learners Honored in Iraq

Winners of Competition for Quran Learners Honored in Iraq

 

3494427

captcha