IQNA

Ang Operasyong Pagbaha ng Al-Aqsa ay Nagpatibay sa Landas ng Paninindigan: Opisyal

17:17 - September 15, 2025
News ID: 3008857
IQNA – Inilarawan ng pinuno ng Intifada at Punong-tanggapan ng Araw ng Quds ang Operasyong Pagbaha ng Al-Aqsa bilang isang mahalagang yaman para sa sambayanang Palestino, at idinagdag na ito ay nagpatibay sa landas ng paninindigan.

Head of the Intifada and Quds Day Headquarters Brigadier General Ramezan Sharif

Sa isang pagpupulong ng punong tanggapan sa Tehran noong Linggo, sinabi ni Brigadier General Ramezan Sharif, “Nalalapit na tayo sa ikalawang anibersaryo ng operasyong ito, at may iba’t ibang mga pananaw hinggil sa diwa ng operasyon, mga nakamit nito, at mga naging bunga. Ang midya, bawat isa ayon sa sarili nitong mga polisiya at mga may-ari, ay nagsikap suriin ang operasyong ito; ang ilan ay nagsabing alam na ito ng Israel nang maaga, habang ang iba naman ay itinuturing itong isang sorpresa para sa mga Zionista. Bawat isa ay may kanya-kanyang mga katuwiran.”

“Ngunit ang tiyak ay ang operasyong ito ay muling nagdala sa usapin ng Palestine sa sentro ng pandaigdigang opinyon publiko; isang usapin na laging sinisikap kalimutan ng mga Zionista at paulit-ulit nilang sinasabi na walang ganoong bagay kagaya ng sambayanang Palestino at ang kalayaan ng al-Quds.”

Sinabi niya na sa loob ng mga dekada, ipinapakita ng mga Zionista ang kanilang sarili bilang hindi matatalo, at inaangkin pa na kahit ang mga hukbong Arabo, kung magkaisa, ay hindi kayang pabagsakin ang Israel. Ngunit ipinakita ng Operasyong Pagbaha ng Al-Aqsa na ang mga Zionista ay hindi kung ano ang kanilang ipinapakita at sila ay maaaring talunin.

“Ang operasyong ito ang nagtapos sa kanilang propaganda, at napagtanto ng buong mundo, kagaya ng wastong sinabi ni Sayed Hassan Nasrallah, ang pinuno ng kilusang paglaban ng Lebanon, na ang Israel ay walang iba kundi isang ‘bahay ng gagamba’.”

Idinagdag niya na sa nakalipas na 80 na mga taon, laging sinisikap ng mga Zionista na puksain ang agos ng paninindigan at pakikibakang bayan sa pamamagitan ng pagpatay sa mga Palestino, pagsira sa kanilang mga tahanan at mga sakahan, at patuloy na panunupil sa kanila. “Gayunman, ipinakita ng Operasyong Pagbaha ng Al-Aqsa Flood na ang bagong mga henerasyon ng mga Palestino ay may matinding hangaring mabawi ang kanilang lupain, kahit pa umabot na sa 65,000 ang bilang ng mga bayani.”

Sa loob ng dalawang taon, pinatunayan ng mga mamamayan ng Gaza ang kanilang katapatan sa adhikain ng Palestino sa kabila ng malulupit na pambobomba, taggutom, gutom, mga parusa, at pagsasara ng mga hangganan, kanyang binanggit.

Binigyang-diin ni Sharif na ang mahalagang punto ay sa kabila ng lahat ng hindi pa nararanasang panunupil, hindi nagawang ipakita ng mga Zionista na ang mga taga-Gaza ay gumawa ng anumang hakbang laban sa kilusan ng paglaban. “Nasasaksihan ng buong mundo na nananatiling matatag ang sambayanang Palestino sa kanilang paninindigan sa ilalim ng pinakamabibigat na pangigipit.”

Sa pagtukoy sa panig militar ng operasyon, sinabi niya na sa nakalipas na dalawang taon, sinubukan ng rehimeng Zionista gamit ang lahat ng kanilang lakas-militar na pigilan ang mga operasyon ng puwersa ng paglaban, ngunit nitong nakaraang mga araw, habang sinasabi nilang “wawasakin ang Hamas,” ilang matagumpay na mga operasyon ang naisagawa ng mga puwersang Palestino. “Dahil dito, hindi na naglalakas-loob ang mga Zionista na muling sakupin ang Gaza, sapagkat alam nilang haharap sila sa mabibigat na pagkatalo.”

Dagdag pa niya, inilarawan niya ang Operasyong Pagbaha ng Al-Aqsa bilang isang mahalagang yaman para sa sambayanang Palestino at binigyang-diin, “Ang operasyong ito ay nagbunga ng malalaking mga kahihinatnan at mga tagumpay, kabilang ang pagtaas ng galit ng buong mundo laban sa mga Zionista at ang pagbuo ng isang alon ng suporta mula sa mga mamamayan sa iba’t ibang mga panig ng mundo. Sa kasalukuyan, maging ang mga taong walang tuwirang kaugnayan sa usapin ng Palestine ay nagpapaabot ng suporta sa sambayanang Palestino sa kani-kanilang larangan at sa panlipunang media, at isa ito sa pinakamahalagang mga bunga ng Operasyong Pagbaha ng Al-Aqsa.” 

Itinuro ni Sharif ang mga ilegal at kriminal na ugali ng rehimeng Zionista sa nakalipas na dalawang taon at sinabi niyang nawalan ng balanse sa asal at kaisipan ang rehimeng ito dahil sa operasyon. “Sa panahong ito, ipinakita ng iba’t ibang mga krimen na ginawa ng mga Zionista na wala silang iginagalang na batas, kahit sa gitna ng digmaan. Binomba nila ang mga ospital, ginutom at pinalibutan ang mga kababaihan at kabataan, winasak ang libu-libong mga paaralan, at pinagpapatay ang walang kalaban-laban na mga tao sa mga linya ng tulong o sa kanilang sariling mga tahanan.”

Idinagdag niya na sa kasalukuyan, wala nang sinuman sa mundo ang nagtitiyaga sa asal ng mga Zionista. “Ang pinakahuling halimbawa ay ang nabigong pagpaslang sa mga pinuno ng Hamas; samantalang sila mismo ay tinawag para sa negosasyon at pagtatapos ng digmaan. Ang pangit na asal na ito, sa harap ng buong mundo, ay nakapagkumbinsi pa sa dating mga tagasuporta ng mga Zionista na ang rehimeng Israel ay mas mahina kaysa sa ipinapakita nito.”

Ipinagpatuloy ni Sharif na ang Operasyong Pagbaha ng Al-Aqsa, sa katunayan, ay nagpapatibay sa relihiyon at landas ng paglaban ng sambayanang Palestino.

“Ang sambayanang Palestino, kasama ang matibay na suporta ng hanay ng paglaban at ang mahalagang pagtangkilik ng mga mamamayan ng Yaman—sino nagpamangha sa mundo sa pamamagitan ng kanilang milyong-milyong mga demonstrasyon—ay nananatiling matatag. Samantalang ang mga Zionista, sa rurok ng kanilang kahinaan at nasa bingit ng pagbagsak, ay patuloy pa ring nagsasalita ng ‘mula sa Nile hanggang sa Euphrates’ at pagpapalawak ng teritoryo. Maging si (Pangulo ng US na si Donald) Trump ay umamin na ang kaliitan ng teritoryong sinasakop ng Israel ang kanilang kahinaan, at mismong ang mga Zionista ang opisyal na naghayag na nais nilang sakupin ang bahagi ng Syria, Jordan, Ehipto, at iba pang mga lugar.”

Kanyang higit pang binigyang-diin ang suporta ng Republikang Islamiko ng Iran para sa Palestine, na nagsabing, “Mula pa sa simula ng Rebolusyong Islamiko, ang suporta para sa adhikaing Palestino ay nasa adyenda ng Republikang Islamiko ng Iran, at ang pangalawang pinakamalaking pambansang demonstrasyon matapos ang rebolusyon ay palaging ang martsa ng Pandaigdigang Araw ng Quds. Sa kasalukuyan, naunawaan na ng buong mundo ang malayong pananaw ni Imam Khomeini (RA) at ng pinuno ng Rebolusyong Islamiko. Kung noong simula ng rebolusyon ay hindi pa ito ganap na malinaw, ngayon ay higit nang napatutunayan ang pagiging lehitimo ng estratehiyang ito.”

Dagdag pa niya, “Umaasa kami na ang alon ng pandaigdigang suporta para sa Palestine at sa paglaban ay umabot sa yugto kung saan sasama na rin ang mga pinuno ng mga bansang Arabo at Islamiko, at sa tulong ng Diyos, masaksihan natin ang pagbagsak ng rehimeng Zionista. Ang sambayanang Palestino, matapos tiisin ang napakaraming mga sakripisyo at paghihirap, ay nararapat na makabuo ng isang malayang pamahalaan sa kanilang tinubuang lupa.”

Ang Operasyong Pagbaha ng Al-Aqsa ay isang biglaang operasyon kung saan sinalakay ng Hamas at ng kaalyado nitong kilusang paglaban ng Palestino mula sa Gaza Strip, ang Islamic Jihad, ang sinasakop na mga teritoryo ng Palestine at binihag ang mahigit 240 na mga Taga-Israel noong Oktubre 7, 2023. 

Bilang tugon, isinailalim ng rehimeng Israel ang Gaza sa isang digmaang mapanupil. Sa ngayon, halos 65,000 na mga Palestino na ang nasawi, karamihan ay mga kababaihan at mga bata. Gayunpaman, hindi pa rin nagawa ng rehimen na makamit ang kanilang mga layunin sa pamamagitan ng dahas.

 

 3494596

captcha