Ang Ladakh, isang mataas na malamig na disyertong rehiyon sa Himalayas na sentro ng kamakailang mga tensyon sa pagitan ng India at Tsina, ay niyanig noong Miyerkules ng marahas na mga protesta na pinangunahan ng Gen Z, kung saan sinunog ng mga kabataan ang opisina ng Bharatiya Janata Party (BJP) ni Punong Ministro Narendra Modi.
Habang nagbanggaan ang mga nagpoprotesta, kabilang ang mga estudyante, at mga pulis sa Leh, ang kabisera ng rehiyon, hindi bababa sa apat sa kanila ang napatay at dose-dosenang iba pa ang nasugatan, ayon sa mga tagapag-ugnay ng protesta na nakausap ng Al Jazeera, matapos magdagdag ng mga puwersang militar. Sinabi ng mga awtoridad na dose-dosenang mga kawani ng seguridad ang nasugatan din sa engkuwentro.
Sa nakalipas na anim na mga taon, libu-libong mga tao sa Ladakh, na pinamumunuan ng lokal na mga samahang sibiko, ay nagsagawa ng mapayapang martsa at mga welga ng gutom upang hilingin ang mas malalakas na proteksyon sa konstitusyon at pagiging estado mula sa India, na pederal na namamahala sa rehiyon mula pa noong 2019. Nais nilang magkaroon ng kapangyarihan na pumili ng lokal na pamahalaan.
Ngunit noong Miyerkules, ilang mga grupo ng mga kabataang nawalan ng pag-asa ang humiwalay sa mapayapang mga protesta, ayon kay Sonam Wangchuk, isang guro na namumuno sa sunod-sunod na mga welga ng gutom.
“Ito ay isang pagsabog ng damdamin ng kabataan, isang uri ng rebolusyong Gen-Z, na nagdala sa kanila sa mga lansangan,” sabi ni Wangchuk sa isang pahayag na video, tumutukoy sa kamakailang mga pag-aalsa sa mga bansa sa Timog Asya, kabilang ang sa Nepal nitong buwan, na nagpatalsik sa gobyerno ni Punong Ministro KP Sharma Oli.
Kaya, ano ang nangyayari sa Ladakh? Ano ang kanilang mga kahilingan? Paano umabot sa puntong ito ang rehiyong Himalaya? At bakit napakahalaga ng krisis sa Ladakh?
Noong Miyerkules ng umaga, ang welga ng gutom ng lokal na mga aktibista sa Ladakh, na pinamumunuan ng Ladakh Apex Body, isang alyansa ng mga panlipunan, panrelihiyon, at pampulitikang mga organisasyon, ay pumasok na sa ika-15 araw nito.
Dalawang mga aktibista, na may edad na 62 at 71, ang naospital noong nakaraang gabi matapos ang dalawang mga linggo ng welga ng gutom, dahilan upang manawagan ang mga tagapag-organisa ng isang lokal na pagtigil ng aktibidad. Galit din ang mga nagpoprotesta sa gobyerno ni Modi dahil sa pagpapaliban ng mga negosasyon sa kanila.
Ang mga isyung ito ang nagtulak sa kabataan na maniwalang “hindi gumagana ang kapayapaan,” sabi ni Wangchuk noong Miyerkules ng gabi sa isang birtuwal na pagtitipon sa press, kung saan halata ang kanyang panghihina.
Pagkatapos, humiwalay ang mga grupong pinamumunuan ng kabataan mula sa lugar ng protesta sa Leh sa Parke ng Pang-alaala sa mga Bayani at nagtungo sa lokal na mga gusali ng pamahalaan at isang opisina ng BJP, habang sumisigaw ng mga salawikain, na nagdulot ng banggaan sa pulisya. Apat ang napatay at isa ang kritikal ang kondisyon, habang dose-dosenang iba pa ang nasugatan.
“Ito ang pinakamadugong araw sa kasaysayan ng Ladakh. Inialay nila ang buhay ng ating kabataan – ang karaniwang mga tao sino nasa lansangan upang suportahan ang mga kahilingan ng welga,” sabi ni Jigmat Paljor, ang tagapag-ugnay ng samahang apex na nasa likod ng mga welga ng gutom.
“Sawa na ang mga tao sa limang mga taong puro huwad na pangako ng gobyerno, at napuno sila ng galit,” sabi ni Paljor sa Al Jazeera. Sa gitna ng karahasan, sinabi niya na binawi ng kanyang organisasyon ang welga ng gutom at nanawagan ng kapayapaan.
Magbasa Pa:
• mga Muslim sa India, Nasasangkot sa Tumitinding Pagsupil Laban sa mga Imigrante
Sa isang pahayag, sinabi ng kagawran ng loob ng India na ang mga banggaan sa isang “magulong nagkakagulong mga tao” ay nagdulot ng pagkasugat ng mahigit 30 na tauhan ng puwersa — at na “napilitang magpaputok ang pulisya” para sa sariling depensa, na nagdulot ng “ilang mga nasawi.”
Sinabi ng gobyerno na “malinaw na ang nagkakagulong mga tao ay inudyukan ni [Wangchuk],” at idinagdag na ang guro ay “nililigaw ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang mapanulsol na pagbanggit tungkol sa mga protesta na kahalintulad ng Tagsibol ng Arab at sa mga pagtukoy sa mga protesta ng Gen Z sa Nepal.” Nagbabala si Wangchuk na maaaring mauwi sa karahasan ang damdamin ng kabataan kung hindi pakikinggan ng gobyerno ang mga kahilingan ng mapayapang mga nagpoprotesta — ngunit iginiit niyang hindi siya kailanman nanawagan ng karahasan.
Ano ang nais ng mga nagpoprotesta?
Noong 2019, tinanggal ng gobyerno ni Modi nang mag-isa ang semi-awtonomiyang katayuan at pagiging estado na dating tinatamasa ng Kashmir na pinamamahalaan ng India sa ilalim ng konstitusyon ng India.
Ang estado ay binubuo ng tatlong mga rehiyon – ang lambak ng Kashmir na mayoryang Muslim, ang Jammu na mayoryang Hindu, at ang Ladakh, kung saan parehong humigit-kumulang 40 porsiyento ng populasyon ay mga Muslim at mga Budista.
Pagkatapos, hinati ng gobyerno ni Modi ang dating estado sa dalawang mga teritoryo: ang Jammu at Kashmir na may lehislatura, at ang Ladakh na wala. Bagaman parehong pinamamahalaan sa ilalim ng pederal na pamahalaan at wala sa kanila ang kapangyarihan ng ibang estado sa India, pinapayagan naman ng lehislatura ng Jammu at Kashmir ang kanilang populasyon na pumili ng lokal na mga lider na maaaring kumatawan sa kanilang mga hinaing at dalhin ito sa New Delhi. Ang Ladakh, ayon sa mga lokal, ay wala man lang ganoong pribilehiyo.
Ang Kashmir ay isang pinagtatalunang rehiyon sa pagitan ng India, Pakistan at Tsina – ang tatlong mga bansang may armas nukleyar ay bawat isa’y kumokontrol sa bahagi nito. Inaangkin ng India ang kabuuan, habang inaangkin ng Pakistan ang lahat maliban sa bahaging hawak ng Tsina, ang kaalyado nito. Ang Kashmir na pinamamahalaan ng India ay nakakatabi ng Pakistan sa kanluran, at ang Ladakh ay may 1,600km (994-milya) na hangganan sa Tsina sa silangan.
Mula nang mawalan ng pagiging estado, natagpuan ng mga taga-Ladakh ang kanilang sarili na pinamumunuan ng mga burukrata. Mahigit 90 porsiyento ng populasyon ng rehiyon ay nakalista bilang Naka-iskedyul na mga Tribo (Scheduled Tribes). Ang katayuang ito ang nag-udyok sa panawagan na maisama ang Ladakh sa ilalim ng Ika-anim na Iskedyul (Sixth Schedule) ng Konstitusyon ng India, na nagbibigay ng awtonomiyang administratibo at mga istrukturang pamahalaan sa mga rehiyong pinamumunuan ng kinikilalang Katutubong mga pamayanan. Sa kasalukuyan, may 10 mga rehiyon sa hilagang-silangang mga estado ng India na nakalista sa ilalim ng schedule na ito.
Gayunpaman, hanggang sa ngayon ay tinututulan ng gobyerno ni Modi ang parehong pagiging estado at ang mga proteksyong dala ng Ika-anim na Iskedyul (Sixth Schedule) para sa Ladakh.
Ang pagkakahiwalay ng Jammu at Kashmir mula sa Ladakh ay nagresulta na mas mahirap para sa mga taga-Ladakh ang makahanap ng trabaho sa Jammu at Kashmir, kung saan matatagpuan ang karamihan ng mga trabaho sa dating pinagsamang rehiyon. Mula noong 2019, inakusahan din ng mga residente ang gobyerno ng India na hindi naglalatag ng malinaw na mga patakaran para sa pagkuha ng mga empleyado sa mga trabahong pampubliko.
“[Ang kabataang mga nagpoprotesta] ay limang mga taong walang trabaho, at ang Ladakh ay hindi binibigyan ng [konstitusyonal na] proteksyon,” sabi ni Wangchuk noong Miyerkules. “Ito ang reseta para sa kaguluhang panlipunan: panatilihing walang trabaho ang kabataan at pagkatapos ay agawin ang kanilang demokratikong mga karapatan.”
Ang Ladakh ay may 97 porsiyentong antas ng literasiya, mas mataas kaysa pambansang karaniwan ng India na humigit-kumulang 80 porsiyento. Ngunit isang pagsusuri noong 2023 ang nakakita na 26.5 porsiyento ng mga nagtapos sa Ladakh ay walang trabaho – doble ng pambansang karaniwan.
Basahin Pa:
• Pagtatarget sa mga Muslim sa India ay Pinapalakas ng Malalayong Kanang Nasyonalistikong mga Grupo: Samahan ng OIC
Noong Miyerkules, tuluyang sumabog ang galit.
“Ang nangyayari sa Ladakh ay kakila-kilabot,” sabi ni Siddiq Wahid, isang akademiko at pangpulitika na analista mula sa Leh. “Nakakatakot makita ang Ladakh na itinutulak sa ganitong kalagayan.”
“Sa nakaraang anim na mga taon, napagtanto ng mga Taga-Ladakh ang mga panganib na kinakaharap ng kanilang pagkakakilanlan,” sabi niya, dagdag pa na ang mga tao ay “matibay sa paninindigan na bawiin ang kanilang mga karapatan mula nang ito’y agawin anim na mga taon na ang nakalipas.”
“Ang galit ng kabataan ay lalong nakakaalarma dahil sila’y walang pasensiya. Matagal na silang naghihintay ng kalutasan,” sabi ni Wahid. “Ngayon, sila’y bigo dahil hindi nila makita ang kinabukasan para sa kanilang sarili.”
Nagkaroon na ba ng mga protesta noon sa Ladakh?
Oo. Mula nang bawiin ang semi-awtonomiyang katayuan ng rehiyon at tanggalin ang pagiging estado nito, ilang lokal na mga grupong sibiko ang nagsagawa ng mga martsa ng protesta at paminsan-minsan, naglunsad ng welga ng gutom.
Si Wangchuk, ang edukador, ay nanguna sa limang welga ng gutom sa nakalipas na tatlong mga taon, na humihiling ng mga proteksyon sa konstitusyon para sa Ladakh. Siya rin ang pinakakilalang mukha ng mga protesta sa Ladakh – na mas malawak ang naabot dahil sa kanyang mga nakaraang inobasyon sa pagpapanatili. Ang buhay ni Wangchuk ay nagsilbing inspirasyon para sa isang sika (blockbuster) na pelikula sa Bollywood na nagkaroon ng napakaraming tagahanga sa Tsina.
Ang lugar ng welga ng gutom, ang Parke ng Pang-alaala ng mga Bayani, ay iniaalay din sa tatlong mga Ladakh sino napatay noong Agosto 1989 sa isang insidente ng pamamaril sa panahon ng mga protesta. Noon, ang mga protesta ay bunsod ng galit hinggil sa itinuturing na dominasyon ng Kashmiri sa pinag-isang estado na kinabibilangan ng Ladakh, Jammu, at Kashmir.
Pinararangalan din ng lugar ang dalawa pang nagprotesta sino napatay noong Enero 1981 sa isang pagkilos na humihiling ng katayuan bilang Naka-iskedyul na Tribo para sa mga Taga-Ladakh.
Ngunit ang protesta noong Miyerkules ang nagtala ng pinakamalalang araw sa kasaysayang pampulitika ng Ladakh.
Si Sajad Kargili, isang sibilyang miyembro ng komiteng binuo ng pamahalaan ni Modi upang makipag-usap sa nagpoprotestang mga aktibista, ay nagsabi na ang karahasan sa Ladakh ay “nagpapakita ng matinding pagkadismaya ng ating kabataan.”
“Kailangang maunawaan ng pamahalaan na may mga kabataan dito na galit at hindi pipili na magwelga ng gutom,” sabi ni Kargili. “Hindi dapat talikuran ng pamahalaan ni Modi ang mga panawagang ito.”
Bakit napakahalaga ng Ladakh
Matatagpuan ang Ladakh sa hangganan ng Himalaya ng India, katabi ng Tsina.
Ang rehiyon ay nakaugnay rin sa mahahalagang daang-bundok, mga paliparan, at mga rutang pantustos na kritikal para sa militar ng India kung sakaling magkaroon ng tunggalian laban sa Tsina. Noong 2020, nagbanggaan ang puwersa ng India at Tsina sa silangang Ladakh sa kahabaan ng Line of Actual Control (LAC), matapos ang isang paglusob ng Tsina.
Hindi bababa sa 20 na mga tauhan ng puwersa ng India ang napatay kasama ang apat na mga Tsino. Ang sagupaan ay nag-udyok ng mobilisasyon ng sampu-sampung libong mga tropa sa magkabilang panig, dala ang mabibigat na armas at mga imprastruktura na mabilis na dinala sa mataas na posisyon sa kabundukan.
Basahin Pa:
• Ang Pagiging isang Muslim na Nagsasalita ng Bengali ay Nagiging parang Krimen sa Assam, India, ayon sa isang Dating Guro.
Mula noon, nanatiling sentro ng tensiyon sa hangganan ng India at Tsina ang Ladakh. Ilang mga serye ng usapang militar at diplomatiko ang nagbunga ng unti-unting pagluwag simula noong huling bahagi ng nakaraang taon.
Ngayon, sinabi ni Wahid, ang analista na pampulitka, na ang mga hakbang ng pamahalaan ni Modi noong 2019 ay bumabalik upang gambalain ang India na may bagong banta sa Ladakh – isang panloob na problema. Itinuro niya na matagal nang nakikibaka ang mga awtoridad ng India sa Kashmir bilang isang “sentro ng pagkadismaya.” Ngayon, kailangan na rin nilang harapin ang Ladakh.