IQNA

Pinarangalan ang mga Nagwagi sa Pandaigdigang Paligsahan sa Quran sa Croatia

12:20 - October 04, 2025
News ID: 3008924
IQNA – Natapos ang ika-31 edisyon ng pandaigdigang paligsahan sa pagbasa at pagsasaulo ng Quran sa Croatia sa pamamagitan ng isang seremonya sa Zagreb.

Panel of judges of the 31st edition of Croatia’s international Quran memorization and recitation competition

Ang paligsahan ay isinagawa mula Setyembre 25 hanggang 28, 2025, sa pangangasiwa ng Kagawaran ng Awqaf at Islamikong mga Kapakanan at inorganisa ng Kalihiman ng Pandaigdigan na Kumpetisyon na Uropiano sa Quran ng Croatia.

Kabuuang 62 na mga kalahok mula sa 37 na mga bansa ang lumahok sa kaganapang Quraniko, na nagpaligsahan sa apat na mga kategorya: pagsasaulo ng buong Banal na Quran, pagsasaulo ng labinlimang mga Juz (mga bahagi) ng Quran, pagsasaulo ng limang mga Juz, at pagbasa, ayon sa ulat ng Balitang El-Balad. Binubuo ang lupon ng hurado ng limang mga eksperto: si Sheikh Aziz Elili (Croatia) bilang tagapangulo, kasama sina Sheikh Yusuf Al-Hammadi (Qatar), Sheikh Hafez Osman Sahin (Turkey), Sheikh Shirzad Abdul Rahman Taher (Iraq), at Sheikh Bilal Baroudi (Lebanon).

Nagsimula ang seremonya ng pagtatapos sa pagbigkas ng Quran at isang pambungad na talumpati ni Sheikh Aziz Hasanović, ang Mataas na Mufti ng Croatia, na nagpaabot ng pasasalamat sa presensiya ng delegasyon ng Qatar, mga embahador mula sa mga bansang Arabo at Uropa, at mga panauhin mula sa pamahalaan at mga institusyong diplomatiko.

Pagkatapos, inanunsyo ang mga panghuli na resulta at pinarangalan ang mga nagwagi sa presensiya ng Mataas na Mufti ng Croatia at ng kalihim-heneral ng paligsahan na si Khalid Yaseen. Ayon sa lupon ng hurado, sina Ibrahim Qassem mula Yaman, Mahmoud Ahmed Hussein mula Ehipto, Islam Dalibi mula Hilagang Macedonia, at Suleiman Talha Cukhdar mula Turkey ang unang nagwagi sa una hanggang ikaapat na mga kategorya.

Sa kaniyang talumpati sa seremonya ng parangal, sinabi ni Yaseen na ang paligsahan ay isa na sa pinakakilalang pandaigdigang mga kaganapang Quraniko, na patuloy na tumataas ang interes at pagtanggap mula sa mga tagapagbasa at mga tagapagmemorya ng Quran.

Kasabay ng seremonya ay ang pagtatanghal ng mga eksibit tungkol sa pamanang Islamiko at mga panayam na pang-edukasyon upang mapahusay ang pagsasaulo at pagbasa ng Quran. Nagtapos ang seremonya sa pamamagitan ng pagdasal at pangkat na mga larawan ng mga kalahok at mga panauhin.

 

3494847

captcha