Ginanap ang kaganapan sa Bulwagan ng Imam Kazem ng Ayatollah Makarem Shirazi Cultural Complex. Inorganisa ito ng Al al-Bayt (AS) Institute at dinaluhan ng kilalang mga kleriko kabilang sina Ayatollah Seyyed Jawad Shahrestani, kinatawan ni Dakilang Ayatollah Sistani sa Iran, Ayatollah Alireza Arafi, direktor ng mga seminaryo ng Iran, at Ayatollah Seyyed Hashem Hosseini Bushehri, pinuno ng pagdasal tuwing Biyernes sa Qom.
Nagsimula ang seremonya sa pagbigkas ng Quran ni Mohammadreza Haghighatfar, pandaigdigan na tagapagbasa ng Quran mula Tehran na siya ring nagwagi ng unang gantimpala sa paligsahang ito. Pagkatapos nito, inanunsyo ang mga pangalan ng mga nagwagi sa bawat kategorya.
Sa kategoryang tahqiq recitation, ang nangungunang lima ay sina Mohammadreza Haghighatfar (Tehran), Mohammadreza Zeinali (Isfahan), Masoud Mohahedi Rad (Khorasan Razavi), Mohammadamin Nowrouzi (Tehran), at Ali Kabiri (Tehran).
Sa pagbigkas na paggagaya, ang mga nagwagi ay sina Amir Taha Ghahremanpour (Ardabil), Sobhan Abdollahi (Khorasan Razavi), Mohammadreza Poursafar (East Azerbaijan), Mohammadamin Nabilou (Tehran), at Mohammad Hossein Azimi (Mazandaran).
Sa kategoryang dalawang magsasama na magbasa, kabilang sa nangungunang mga pares sina Masoud Sharifi at Mohammad Mohammadi (Markazi), Mohammadreza Faghihinia at Erfan Hassanzadeh (East Azerbaijan at Tehran), Ali Esfahani at Ahmadreza Ashouri (Isfahan), Mohammad Hossein Rabieian at Mohammadreza Abbasian (Tehran), at Mohammad Esmaeili kasama si Behnam Rahmani (Ardabil).
Mahigit 1,600 na mga aplikante mula sa lahat ng 31 na mga lalawigan ang nagparehistro, at 94 sa kanila ang umabot sa huling yugto. Ang mga kalahok, na may edad 14 hanggang 24, ay nagpaligsahan sa iba’t ibang mga uri ng pagbasa sa ilalim ng pangangasiwa ng pandaigdigan na mga hurado.
Ang paligsahan, na may temang “Quran, Ang Aklat ng Matapat,” ay inorganisa ng Sentro ng mga Kapakanan Quraniko ng Al al-Bayt Institute sa tulong ng mga organisayong pangkultura at Quraniko.
Lahat ng mga pagbasa ay naitala at ilalathala sa mga plataporma ng media ng institusyon.
Nagtapos ang seremonya sa pagbibigay-pugay sa mga nagwagi, na nagmarka sa pagtatapos ng unang pambansang “Zayen al-Aswat” na paligsahan sa Quran.