Sinabi ni Mansour Aghamohammadi sa IQNA na ang paligsahan ay simula ng pagyabong ng dalisay na mga talento sa Quran at magbubukas ng daan para sa pagsasanay ng natatanging mga tagapagbasa at mga tagapagsaulo ng Quran.
Ang unang edisyon ng paligsahang ‘Zayen al-Aswat’ ay ginanap sa banal na lungsod ng Qom noong Miyerkules at Huwebes (Oktubre 1–2, 2025).
Mahigit 1,600 na mga kalahok mula sa 31 na mga lalawigan ang nagparehistro, at 94 ang umabot sa panghuli na yugto. Ang mga kalahok, edad 14 hanggang 24, ay nagtagisan sa iba’t ibang mga paraan ng pagbasa sa ilalim ng pangangasiwa ng pandaigdigan na mga hukom.
Ang paligsahan, na may temang “Quran, Aklat ng mga Tapat,” ay inorganisa ng Sentro na mga Gawaing Quraniko ng Al al-Bayt Institute sa tulong ng pangkultura at Quranikong mga organisasyon. Lahat ng pagbasa ay naitala at ipalalabas sa mga plataporma ng media ng institusyon.
Si Aghamohammadi, na responsable sa isang tiyak na bahagi ng paligsahan kabilang ang pangangasiwa sa teknikal na pagpapatupad ng kaganapan at pagsuporta sa mga kalahok, ay binigyang-diin ang natatanging halaga ng paligsahan sa larangan ng mga aktibidad na Quraniko sa bansa.
Sabi niya, ang pagsasagawa ng mga paligsahang Zayen al-Aswat ay dapat ituring na isang mahalagang punto sa pagtuklas at pagpapaunlad ng dalisay na mga talento sa Quran.
Hindi lamang ito simpleng paligsahan, kundi isa ring pang-edukasyon na pagawaan at sukatan ng kakayahan ng batang mga tagapagbasa at mga tagapagsaulo, na maaaring maging daan sa kanilang pag-unlad at kahusayan, dagdag pa niya.
Ipinaliwanag niya ang mga natatanging katangian ng paligsahan, “Isa sa pinakamahalagang mga katangian ay ang matatag at epektibong presensiya ng kilalang mga iskolar at mga eksperto ng Quran sa bansa, sino may malaking ambag sa pagpapabuti ng kalidad ng paligsahan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang mahahalagang mga karanasan. Dagdag pa rito, ang di-natitinag na suporta ng dakilang mga pinunong panrelihiyon, lalo na ni Dakilang Ayatollah Ali al-Sistani, ay nagdala ng natatanging espirituwal na pagpapala sa kaganapang ito.”
Tungkol sa proseso ng pagpili ng mga kalahok, sinabi niya na ang mga kalahok sa edisyong ito ay pinili mula sa mga nanalo sa antas-probinsya at batay sa pinakamahigpit na pamantayan ng paghusga, na patunay ng mataas na kalidad ng paligsahan. “Bukod dito, ang maingat na pagpaplano at paggamit ng mga payo mula sa bihasang mga eksperto ay nagbigay ng angkop na kapaligiran para sa isang produktibo at matagumpay na paligsahan.”
Ipinaliwanag din ni Aghamohammadi ang mga hinaharap na layunin ng kaganapan at sinabi, “Naniniwala kami na ang paligsahan ng Zayen al-Aswat ay maaaring maging pangunahing sentro sa pagtukoy at pagpapaunlad ng pambihirang mga talento sa Quran sa hinaharap. Kabilang sa pangmatagalang mga layunin ng kaganapang ito ang pagbuo ng matatag na himpilan ng kabataang mga tagapagbasa at mga tagapagsaulo, pagpapabuti ng pambansang mga pamantayan sa pagbasa at pagsaulo ng Banal na Quran, at pagsasanay ng isang salinlahi ng mga mag-aaral ng Quran na bihasa sa mga teknik ng pagbasa at kaalamang Quraniko.”
Binanggit din niya na upang lubos na mapakinabangan ang mahalagang pagkakataong ito, iba’t ibang mga programang pang-edukasyon ang isinagawa para sa mga kalahok sa unang edisyon, kabilang ang mga espesyal na paggawaan sa pagbasa at pagsaulo, mga pagpupulong pang-agham kasama ang kilalang mga eksperto, at mga kursong nagpapalago ng kasanayan, “na alin aming inaasahang magiging epektibong hakbang tungo sa paghubog ng mga mag-aaral ng Quran na mahusay sa lahat ng aspeto.”