IQNA

Bukas na ang Pagpaparehistro para sa Pandaigdigang Gantimpala sa Quran ng UAE

16:30 - October 15, 2025
News ID: 3008963
IQNA – Inanunsyo ng Pangkalahatang Direktor ng Islamikong mga Kapakanan, Awqaf at Zakat ng United Arab Emirates (UAE) ang pagsisimula ng pagpaparehistro para sa ikalawang edisyon ng Emirates na Pandaigdigang Gantimpala sa Quran.

A Quran competition in the United Arab Emirates

Ang huling araw ng pagpaparehistro para sa kumpetisyong ito ay itinakda sa Oktubre 31, 2025. Kabilang sa kinakailangang mga dokumento para sa pagpaparehistro ay kopya ng pasaporte, pormularyo ng pagpaparehistro na may tatak ng institusyong nagrerekomenda, at isang personal na larawan.

Ayon sa anunsyo, magsisimula ang paunang yugto ng kumpetisyon sa Nobyembre 3, 2025 at magpapatuloy hanggang Nobyembre 21.

Ang panghuli na yugto ay nakatakdang ganapin mula Enero 20 hanggang 30, 2026. Kinakailangan sa mga kalahok na naisaulo ang buong Quran, bihasa sa mga alituntunin ng Tajweed at wastong pagbasa, may magandang tinig, at hindi hihigit sa 35 mga taong gulang.

Dagdag pa rito, tanging iginagalang na opisyal na mga institusyon sa bansang tinitirhan ng mga kalahok ang maaaring magpakilala sa kanila upang makasali sa kumpetisyon. Hindi tatanggapin ang direktang personal na mga aplikasyon na walang opisyal na pagpapakilala.

Ang mga kandidato para sa kumpetisyon ay kinakailangang kabilang sa mga nanalo sa unang tatlong mga puwesto sa isang pandaigdigang kinikilala at akreditadong paligsahan na ginanap sa nakalipas na tatlong mga taon.

Ang mga aplikanteng nagnanais lumahok sa Emirates na Pandaigdigang Gantimpala sa Quran ay sasailalim sa mga pagsusulit na pasulat at pasalita na pangangasiwaan ng isang komiteng binubuo ng pandaigdigan na mga hurado. Kinakailangan din nilang sumunod sa mga patakaran ng disiplina at wastong asal sa lahat ng mga yugto ng paligsahan.

 

3495001

captcha