
Si Sardar Ayaz Sadiq noong Huwebes ay nagsalita sa Pandaigdigang Paligsahan ng Pagbigkas ng Quran na ginaganap sa kabisera ng Pakistan, at tinawag itong isang biyaya at karangalan na makadalo sa isang pagtitipon nagbibigay ng malalim na espiritual na pagpapayaman.
Ipinahayag niya ang kaniyang matinding kasiyahan sa pagdalo sa banal na kaganapang ito at pinuri ang paglahok ng mga Qari mula sa 36 na mga bansa, na alin niya ay tunay na kapuri-puri.
Idinagdag niya na ang paligsahan ay hindi lamang pagpapakita ng
kahusayan sa pagbigkas ng Banal na Quran kundi isa ring makapangyarihang simbolo ng pagkakaisa sa mundo ng mga Muslim.
Ipinaabot ni Sadiq ang kaniyang pasasalamat kay Pederal na Ministro para sa Panrelihiyon na mga Kapakanan na si Sardar Yusuf sa pag-imbita sa kanya sa pinagpalang pagdiriwang ito. Sinabi niya na ang pagtitipon ay naglalarawan ng pinagsasaluhang paggalang ng Muslim Ummah sa Banal na Quran.
Binibigyang-diin ang kahalagahan ng Banal na Quran, sinabi ng Tagapagsalita na ang Banal na Quran ay isang ganap na gabay sa buhay na nag-ahon sa sangkatauhan mula sa kadiliman ng kamangmangan. Binanggit niya na ang Banal na Quran ay nananatiling walang hanggang pinagmumulan ng patnubay, kaliwanagan, kapayapaan, at espirituwal na kapanatagan. Idinagdag niya na ang pagsasabuhay ng mga aral ng Banal na Quran ay nagbubukas ng daan sa tagumpay sa mundong ito at sa kabilang buhay.
Nagpaabot din si Sadiq ng kaniyang pinakamagandang hangarin sa lahat ng mga Qari mula sa iba’t ibang mga panig ng mundo ng Muslim at pinuri ang kanilang pag-alay sa sining ng pagbigkas ng Quran.
Nagsimula ang unang pandaigdigang paligsahan ng pagbigkas ng Quran ng Pakistan sa kabisera ng Islamabad noong Lunes, Nobyembre 24.
Lumahok sa paliigsahan ang mga mambabasa mula sa mga bansang kasapi ng Samahan ng Islamikong Pakikipagtulungan [Organization of Islamic Cooperation (OIC)], na inorganisa ng kagawaran ng panrelihiyong mga kapakanan ng Pakistan.
Sa pagpunong-abala ng kaganapang ito, layunin ng bansa na ipakita ang kanilang pangkultura, espirituwal, at panrelihiyong mga tradisyon habang pinagtitibay ang ugnayan sa pagitan ng mga bansang kasapi ng OIC.
Layunin din ng paligsahan na hikayatin ang kabataan na pagnilayan ang mga kahulugan ng Quran at pangalagaan ang sagradong tradisyon ng pagbigkas sa bawat mga henerasyon.
Tatapusin ang kaganapan sa pamamagitan ng isang seremonya ng paggawad sa Muhammad Ali Jinnah Pandaigdigang Sentro ng Pagpupulong sa Islamabad, na dadaluhan ng mga personalidad mula sa panrelihiyon at pamahalaan ng Pakistan sa Nobyembre 29.
Si Adnan Momenin, isang kilalang qari mula sa timog-kanlurang lalawigan ng Khuzestan, ang kinatawan ng Islamikong Republika ng Iran sa kaganapan na Quraniko.