IQNA

Mahigit 5,000 na mga Quran ang Ipinamahagi sa Pandaigdigang Perya ng Aklat sa Kuwait

16:23 - December 02, 2025
News ID: 3009139
IQNA – Ang mga bisita sa Ika-48 Pandaigdigang Perya ng Aklat sa Kuwait ay binigyan ng mahigit 5,000 na mga kopya ng Banal na Quran.

The Saudi pavilion at the 48th Kuwait International Book Fair (November 2025)

Ayon sa ulat ng Al-Madinah, ang bulwagan ng Kagawaran ng Islamikong mga Kapakanan, Panawagan at Patnubay ng Saudi ang namahagi ng mga kopya.

Malawak na tinanggap ng mga bisita ang pabilyon, kung saan ipinakita sa kanila ang nakaimprentang mga Quran sa iba’t ibang mga laki, mga proyektong Saudi sa pag-iimprenta at pagsasalin ng Quran sa iba’t ibang mga wika, at mga gawaing Islamiko ng bansa.

Ayon sa ulat, ang pakikilahok ng Saudi sa kaganapang ito ay bahagi ng pagsisikap ng bansa na makibahagi sa pandaigdigang mga pagtitipon, palakasin ang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad, at maipalaganap ang Quran sa buong mundo.

Binuksan ang Ika-48 Pandaigdigang Perya ng Aklat sa Kuwait noong Nobyembre 20, 2025, na dinaluhan ng 611 mga bahay-limbagan mula sa 33 na mga bansang Arabo at di-Arabo.

Idinaos ito sa ilalim ng temang “Kabisera ng Kultura; Lupain ng mga Aklat” at nagtapos noong Sabado, Nobyembre 29.

Ang perya ng aklat ngayong taon ay kasabay ng pagpili sa Kuwait bilang Arabo na Kabisera ng Kultura at Midya para sa 2025, at ang Oman ang naging panauhing pandangal ng kaganapan.

 

3495573

captcha