
Matapos makinig sa mga himno at mga pagbasa mula sa Bibliya at Quran, pinuri ni Leo XIV ang tradisyon ng relihiyosong pagpaparaya ng Lebanon bilang isang ilaw para sa “banal na kaloob ng kapayapaan” sa rehiyon.
“Sa panahong tila pangarap na lamang ang mapayapang pagsasama, ang mga taga-Lebanon, bagama’t may iba-ibang mga relihiyon, ay nagsisilbing makapangyarihang paalala na hindi takot, kawalan ng tiwala, o pagkiling ay hindi nagkaroon ng huling salita, at posible ang pagkakaisa, pagkakasundo, at kapayapaan,” wika niya.
Binanggit sa mensahe ng Papa kung gaano kahalaga sa Simbahang Katolika ang Lebanon at ang populasyong Kristiyano nito, isang lugar na sinabi ni St. John Paul II na hindi lamang isang bansa kundi isang mensahe ng kalayaan para sa buong mundo.
Tinanggap ni Abdul-Latif Derian, ang Matataas na Mufti ng Sunni Muslim ng Lebanon, si Leo sa kaganapang pagtitipon ng iba’t- ibang pananampalataya at inalala ang mabuting ugnayan na naitaguyod noon ng kanyang nauna, si Papa Francis. Binanggit niya ang 2019 magkasanib na pahayag tungkol sa pagkakapatirang pantao na nilagdaan nina Francis at ng matataas na imam ng Al-Azhar sa Cairo, si Sheikh Ahmed al-Tayeb.
“Ang Lebanon ang lupain ng mensaheng ito,” sabi ni Derian.
Sa pagtatapos ng pagtitipon, nagtanim ang mga pinunong espirituwal ng isang punla ng olibo bilang simbolo ng kapayapaan.
Magandang pagtanggap ang natanggap ng Papa mula sa mga pinunong espirituwal ng Lebanon sa unang araw ng kanyang pagbisita, kung saan makikitang nakakalat sa mga daang-bayan ay sa paligid ng kabisera, Beirut, ang mga kabitan ng kartelon na may kanyang larawan, at libo-libong karaniwang Taga-Lebanon ang nagtiis sa tuloy-tuloy na ulan upang pumuwesto sa daraanan ng kanyang hanay ng mga awto.