IQNA

9:24 - March 08, 2017
News ID: 2091495
Ang Islamikong kamalayan sa kanlurang mundo na kasabay sa mga hindi pangkaraniwang pagsulong sa mga Arabong estado ay malayo sa pagiging mababaw, ang mga ganitong pangyayari ay itinatag sa mga batayang panlipunan at pang-relihiyon, na nagpapahayag ng maunlad na kilusan patungo sa Islam.
Ito ay ayon sa pinuno ng sangay ng pananaliksik at edukasyon ng Samahan ng Islamikong Kultura at Pag-uugnayan na si Mohammad Reza Dehshiri, na nagbigay ng talumpati noong ika-26 ng Pebrero sa isang pagpupulong na pinamagatang “Mga Pagsulong at Perspektibo sa Ehipto.”

Ang mga makasaysayang pag-aalsa ay nagpapahiwatig ng kabiguan ng tinatawag ng “Mapa ng Landas” ng Estados Unidos. Sinisikap ng Estados Unidos na ipataw ang kanyang layunin sa Gitnang Silangan, pinuna niya, tungkol sa mga makabagong kaguluhan sa ilan sa mga bansang Arabo na mistulang higanteng alon na maaaring maging dahilan sa malawakang Islamikong pagbabago sa buong rehiyon.

Sa kanyang paghayag ng pag-asa sa mabuting ibubunga ng mga kasalukuyang pagsusulong, umaasa si Deshiri na ang mga Islamikong partido at pangkat ang maging punto ng mga pangyayari, tinatawagan ang mga ito na iwasan ang anumang gawain na makadudulot ng dibersiyon at karahasan sa gitna ng mga pangkat.


753894
Name:
Email:
* Comment: