IQNA

14:55 - March 10, 2017
News ID: 2093171
Ang pagsasalaysay ng Qur’an ay naghahanda ng kaluluwa ng isang tao para makuha ang kultura ng Qur’an, ayon sa pinuno ng Organisasyon ng Awqaf at Abal-abal ng Kawanggawa.
Si Hojat-ol-Islam Mohammadi ay nagsalita noong gabi ng Marso 7 sa seremonya sa pagsasara ng Ika-33 na Pambansang Paligsahan ng Qur’an ng Awqaf na ginanap sa Helal Ahmar Hall sa sentrong lungsod ng Yazd.
Dinagdag pa niya na ilang bersikulo ng Qur’an ang nagrekomenda sa pagbasa ng Banal na Aklat, na siyang nagpapahiwatig ng kahalagahan nito.
“Pati ang banal na Propeta ng Islam (s.k.n. k.) ay humikayat sa mga Muslim na paliwanagin nila ang kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng ilaw ng pagsasalaysay ng Qur’an,” sinabi niya.
Idiniin pa ni Hojat-ol-Islam Mohammadi na salamat sa Islamikong Rebolusyon at as papel ni Imam Khomeini (RA) at ng Kataas-taasang Pinuno, napakalaking mga hakbang ang naisagawa para sa pagtataguyod ng kultura ng Qur’an.
Isinangguni niya ang mga kamakailang alon ng mga Islamikong paggising sa mundo at ayon sa kanya, napagtanto na ng mga mamamayan sa rehiyon na kinakailangan nilang sundin ang mga turo sa Qur’an dahil ang gamot sa lahat ng uri sa mundo ay matatagpuan sa Banal na Aklat.
760014
Name:
Email:
* Comment: