IQNA

8:54 - March 29, 2017
News ID: 2098716
 Sa kanyang pagsalita sa harap ng malaking pagtitipon sa banal na lungsod ng Mashhad noong unang araw ng bagong taon ng Iran, tinukoy ni Ayatollah Khamenei, ang Kataas-taasang Pinuno ng Islamikong Rebolusyon, ang mga pangyayari sa Libya at sinabi niya na parehong lubusang kinokondena ng Iran ang mga pagpaslang na isinasagawa ng rehimen ng Libya at ang pagsalakay ng Kanluran sa Libya.
Idinagdag pa niya na hinahabol lamang ng Amerika at ng kanluran ang langis ng Libya. Sinabi niya na sinusubukan ng Amerika at ng kanluran na makapagtatag ng panghahawakan sa Libya upang magkaroon rin sila ng kontrol sa mga hinaharap na pamahalaan ng Tunisia at Ehipto.

Sinabi rin ni Ayatollah Khamenei na kahiya-hiya ang pagganap ng United Nations tungkol sa mga pangyayari sa Libya. Ipinahayag niya na sa halip na suportahan ang mga bansa sa mundo, ang United Nations ay naging kasangkapan na sa kamay ng Amerika at ng kanluran.
Sinabi ng Kataas-taasang Pinuno na ang mga pambayanang kilusan sa rehiyon ay indikasyon ng napakahalagang pagbabago sa mga bansang Arabo at Islamiko. Padagdag pa niya na ang mga pagdalo ng mga mamamayan sa eksena at ang kanilang paniniwalang pang-relihiyon ay dalawang katangian ng mga pambayanang kilusang ito.
Binigyan-diin ng Kataas-taasang Pinuno ng Islamikong Rebolusyon na patuloy ang Estados Unidos sa pagsuporta sa mga diktador. Sinabi niya na ang mga Amerikano ay patuloy na sumuporta kay Hosni Mubarak hanggang sa mapagtanto nila na imposible nang panatilihin pa siya sa kapangyarihan.
Sinabi ni Ayatollah Khamenei na sinubukang gumawa ng Amerika ng ganitong pag-alsa sa Iran ngunit nabigo ng mga mamamayan ng Iran ang balakin nito.
Binigyang-diin din ni Ayatollah Khamenei na ang paninindigan ng Amerika ukol sa mga pambayanang kilusan at ang pag-angkin nito ng pagsuporta sa mga mamamayan ng rehiyon ay puro pagkukunwari lamang.
Sa isang mensahe sa pagdiriwang ng Nowruz para sa mga mamamayan ng Iran kamakailan lamang, ipinahayag ni Presidente ng Estados Unidos na si Barrack Obama na sumusuporta siya sa mga mamamayan ng Iran.
Tinukoy ni Ayatollah Khamenei ang pangungusap ni Obama at sinabing, “Hindi ako sigurado kung alam nga niya ang kanyang sinasabi.”
Inulit ni Ayatollah Khamenei na ang mga pag-angkin ng Amerika sa pagsuporta nito sa mga ibang bansa ay puro kasinungalingan. Idinagdag pa niya na ni hindi nagpapakita ng awa ang Amerika sa mga mamamayan nito.
Tinukoy din ng Kataas-taasang Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ang mga kaganapan sa Bahrain at sinabing, “Ang pag-alsa ng mga mamamayan ng Bahrain ay talagang katulad sa pag-alsa ng mga mamamayan ng Ehipto, Tunisia, Libya at Yemen.”
Idinagdag niya na ang gusto lamang ng mga mamamayan ng Bahrain ay malinis at malayang halalan. “Sobra ba ito?”
Inilarawan ng Kataas-taasang Pinuno ng Islamikong Rebolusyon ang kinalaman ng Saudi sa Bahrain at sinabing ito ay isang pagkakamali at idiniin pa niya na ang paglahok nito sa kaguluhan ay magpapasiklab ng damdamin sa rehiyon na laban sa Saudi.


765979
Name:
Email:
* Comment: