IQNA

14:32 - May 17, 2017
News ID: 2123851
Isang bagong Islamikong paaralan ang bubuksan ng Samahan ng Nagkakaisang Pransiya sa Corbeil-Essonnes.
Ayon sa Saphir News, nagpahayag ang samahan na magtatatag ito ng paaralan para sa mga mag-aaral na Muslim sa lungsod. Ang mga mag-aaral sa elementarya at mataas na paaralan ay maaaring magparehistro sa sentro ng edukasyon na itatayo dahilan sa hiling ng mga mamamayang Muslim.
Pagkatapos magbigay ng pahintulot sa pagpapatayo ng proyekto, tinukoy ng munisipalidad ng lungsod na isang mahalagang hakbang ito sa pagpapayaman ng pambansang edukasyon.
Ang Samahan ng Nagkakaisang Pransiya ay itinatag noong 1998 na may layuning itaguyod ang mapayapang pagsasama sa gitna ng mga Muslim at iba pang mamamayan na Pranses, pagtatag ng mga aktibidades na pang-edukasyon upang palakasin ang kultura ng Islam at paunlarin ang kooperasyon at pakikipag-ugnayan sa gitna ng iba’t-ibang mga masusugid na tao sa lipunan.
789933
Name:
Email:
* Comment: