IQNA

10:09 - May 21, 2017
News ID: 2125524
Sinabi ng Ministro ng Pamamatnubay ng Kultura at Islam na isang pagsasanay sa pagsasalin ng Qur’an ang igaganap sa ika-24 na Pandaigdigang Tanghalan ng mga Libro sa Tehran.
Sa kanyang panayam para sa mga mamamahayag noong ika-26 ng Abril para sa tanghalan ng mga libro, tinuring ni Seyyed Mohammad Hosseini ang tanghalan bilang pinakamalaking pangkulturang pangyayari kung saan ang mga mahihilig sa libro ay matututo tungkol sa mga bagong gawain ng mga may-akda at tagapaglathala.

Sinabi niya na mahigit na 2,000 na mga tagapaglathala mula sa Iran ang dadalo at magpapakita ng higit sa 208,000 na mga pamagat sa pambansang bahagi.

“Ang pambansang bahagi ay binubuo ng apat na sangay: pamantasan, mga bata, pang-edukasyon at pangkalahatang tagapaglathala. Mga gawa ng 1,614 na tagapaglathala mula sa 67 na bansa naman ang itatampok sa pandaigdigang bahagi, pati na ang 196,200 na pamagat sa iba’t ibang mga wika,” sinabi rin niya.

Sa okasyon ng Mga Araw ni Fatima, tanda ng anibersaryo ng pagkapatay sa minamahal na anak ng Banal na Propeta (N.P.S.K.S.P.), isang espesyal na pabilyon ang itatayo sa tanghalang ito na magpapakita ng mga gawa tungkol sa buhay at katangian ni Hazrat Zahra (A.K.A.M.).
Ang ika-24 na Pandaigdigang Tanghalan ng mga Libro sa Tehran ay gaganapin sa Mayo 4-14 sa Imam Khomeini Mosalla (bulwagan ng panalangin).
781879
Name:
Email:
* Comment: