IQNA

9:18 - April 21, 2017
News ID: 2308707
Isang organisasyon sa Aleman ang naglunsad ng kauna-unahang pambansang kampanya upang ipamahagi ang 25 milyong kopya ng Koran, na isinalin sa wikang Aleman , na ang layunin ay ilagay ang Koran sa bawat tahanan sa Aleman ng libre.
Ang malawakang kampanya sa pagbabago ng paniniwala ay tinawag na Proyektong "Pagbasa" na binubuo ng ilang dosenang grupo na matatagpuan sa ilang lungsod at bayan sa Austria at Switzerland.
Ang kampanya ay pinamumunuan ng Rheinland – based Ibrahim Abou- Nagie, isang Palestino, na namumuno ng isang grupo na tinatawag na " Ang Tunay na Relihiyon". Siya ay itinuturing na mapanukso ng maraming Aleman . Siya ay pinaratangan na nagpapalaganap ng karahasan, at inembistigahan noong Setyembre 2011 ng opisina ng Piskal sa Aleman.
Gayunpaman, ang edisyon ng Koran na naipamahagi, ayon kay BfV, isang local na ahensya ng Lihim na impormasyon ay napaka kontrobersyal.
Ang Pagkasaling wika ni Mohammed Ibn Ahmad Rassoul na pinuna ng Alemang sumanib sa Islam na Si Von Bubenheim at binigyan ng grado ng ahensya ng Lihim na Impormasyon na hindi mapanggulo".
Gayunpaman, ang isang pinuno ng isang nangungunang partido ay nagsabi na ang programa ay banta sa sa katahimikang Pangrelihyon.
" Mayroong kaunting paniniwala laban sa pamamahagi ng mga pangrelihyong dokumento ayon kay Guenter Krings, Pangalawang Pinuno ng Chancellor Angela Merkel's Christian Democrats, sabi ng Pahayagang Rheinische Post, pero ito ay depende sa mga nagpapamahagi.
Ang mga Radikal na Grupo ng mga Salafist ay namamahagi ng pangkapayapaang pang relihyon sa ating bansa batay sa kanilang agresibong pamamaraan at kailangang itong maipatigil,at sinabi niyang dapat ipagbawal ang pamumudbod nito sa paarang Aleman.
Pero patuloy pa rin ang kampanya at ito ay may 100 maliliit na kubiko na nagpapalaganap ng impormasyon sa ilang rehiyon lalo na sa North Rhine Westphalia,Lower Saxony, Hessen at Hamburg.
Ang pamamaraan ay simple lang:Ang mga Muslim na Aleman ay hinihikayat na bumili ng kopya ng Koran para mapondohan ang libreng pamamahagi ng kopya ng Koran. Ang mga hindi Muslim ay maaring makabili ng kopya ng Koran sa Internet sa website na tinatawag na hausdesqurans.de.Ayon kay Abou- Nagie "Ang bawat Muslim ay , sa loob lang ng isang taon makakapamigay tayo ng Kopya ng naisaling wikang Koran sa bawat tao sa Aleman at hindi nila tayo matatawag na terorista kapag nabasa nila ang aklat ni Allah. Sinabi din niya na ang unang 20,000 kopya ay pinundohan ng ng dalawang Turko at hindi sila tumanggap ng pondo sa ilang organisasyon o grupo sa Bahrain dahil gusto nilang masulat ng kanilang pangalan sa aklat .Idinagdag pa niya na mahigit na 300,000 Koran na nasalin na Aleman ang naipamahagi na at mayroon pang sampung libong kopya ang kinokopya.

984468
Name:
Email:
* Comment:
* captcha: