IQNA

11:51 - January 24, 2020
News ID: 3001336
TEHRAN (IQNA) - Ang paunang yugto ng ika-8 na edisyon ng "Sheikha Hassa binti Mohammad bin Khalifa Al Nahyan" Qur’an na Gantimpala para sa mga batang babae ay isinasagawa sa UAE mula noong Enero 20.

Ayon sa Ahensiya ng Balita ng Emirates (WAM), ang edisyong ito ng kumpetisyon sa Quran ay ginanap sa pakikilahok ng 262 na mga mag-aaral ng pampubliko at pribadong mga paaralan at 119 na mga mag-aaral ng mga sentro ng pagsasaulo ng Qur’an ng Dubai, Sharjah, Ajman, Ras Al-Khaimah, Fujairah, Khor Fakkan at Um Al-Quwain.

Ang Pangkalahatang Tanggapan ng Pagbibigay [Awqaf] at Islamikong mga Kapakanan ng UAE ay nagsagawa ng paunang yugto ng Qur’anikong kaganapan doon sa apat na mga sentro sa Abu Dhabi, Al-Ain, Jafza at Ajman.

Si Sheikha binti Sayf Al Nahyan, pangalawang pinuno ng Sultan bin Khalifa Institusyon ng Pantao-Pang-agham at tagapag-ayos ng kumpetisyon ay nagsabi na ang layunin ng paligsahan ay upang maglingkod sa Banal na Qur’an at hikayatin ang mga tinedyer, lalo na ang mga mag-aaral na babae, na isaulo ang Banal na mga talata at alamin ang Qur’anikong mga turo.

Ang kumpetisyon ay ginaganap sa 11 na mga kategorya, kabilang ang pagsaulo ng mga maikling Surah ng Qur’an para sa mga may kapansanan sa pag-iisip.

Ang mga may kapansanan sa pag-iisip ay maaari ring makipagkumpitensya sa pagsasaulo ng isang Juz (bahagi) ng Qur’an na may mga alituntunin ng Tajweed para sa mga bata, ang pagsasaulo ng mga dalawang Juz (bahagi) kasama ang Tajweed para sa mga mag-aaral ng una at pangalawang antas ng elementarya na mga paaralan, pagsasaulo ng tatlong mga Juz kasama ang Tajweed para sa mga mag-aaral ng pangatlo at ika-apat na antas ng mga paaralan, pagsasaulo ng apat na mga Juz kasama ang Tajweed para sa mga mag-aaral ng ikalima at ika-anim na antas ng mga paaralan, pagsasaulo ng limang mga Juz kasama ang Tajweed para sa mga mag-aaral na nasa antas ng pito, walo at siyam sa mga paaralan at mga tinedyer sa ilalim ng 14 mula sa mga sentro ng pagsasaulo ng Qur’an, pagsasaulo ng 10 mga Juz para sa mga mag-aaral na antas ng sampu at labing isa at ang mga may edad na wala pang 16 mula sa mga sentro.

Ang pagsasaulo ng 15 mga Juz ay ang kategorya na binalak para sa lahat ng mga mag-aaral sa paaralan mula sa (Persiano) Konseho ng Pagtutulungan ng Gulpo na kasapi na mga estado, Yemen at sa ilalim ng 18 taong gulang na mga mag-aaral ng mga sentro ng pagsasaulo ng Qur’an.

Ang pinakamahusay na Sawt [tinig] at Lahn kasama ang Tajweed ay isa pang kategorya ng kumpetisyon para sa lahat ng mga mag-aaral at mga nasa ilalim ng 18.

 

https://iqna.ir/en/news/3470426

Name:
Email:
* Comment: