IQNA

10:20 - March 24, 2020
News ID: 3001534
TEHRAN (IQNA) - Ang mga pagdarasal ay nasuspinde sa bakuran ng Al-Aqsa Moske sa sinakop na Silangang Jerusalem al-Quds sa isang pagsisikap upang maiwasan ang pagkalat ng nobelang coronavirus, inihayag ng Konseho ng Waqf (Pagbibigay) ng Muslim.

Ang pagpapasiya, dumating ng pagsunod sa isang emerhensiya na pagpupulong noong Linggo, pinatupad sa Lunes ng umaga, sinabi ng konseho sa isang pahayag.

"Ang suspensyon ay para sa pansamantalang panahon, kasama ang lahat ng mga kawani at mga guwardya na patuloy pupunta para sa trabaho at magsasagawa ng kanilang mga aktibidad katulad ng dati.

"Ang tawag sa pagdarasal (Adhan) sa Al-Aqsa Moske ay nagpapatuloy sa lahat ng mga oras at katulad ng dati," idinagdag nito, alinsunod sa Anadolu Agency.

Sinabi ng konseho na ang kapasiyahan ay ginawa upang mapangalagaan ang mga buhay at kalusugan ng mga mananamba.

Ang Al-Aqsa Moske ay pangatlong pinakabanal na lugar sa mundo para sa mga Muslim. Tinukoy ng mga Hudeyo ang lugar bilang na “Templo ng Bukirin” (Temple Mount) sa pag-aangkin nito na lugar ng dalawang mga templo ng mga Hudeyo noong sinaunang panahon.

Sinakop ng Israel ang Silangang Jerusalem, kung saan matatagpuan ang Al-Aqsa, sa panahon ng 1967 na Arab-Israeli na Digmaan. Sinali nito ang buong lungsod noong 1980 na kung saan ang hakbang na iyon hindi kinikilala ng pamayanan na pandaigdigan.

Samantala, iniulat ng Israel ang 62 na bagong mga kaso ng nobelang coronavirus sa Linggo, na umabot ang kabuuang impeksyon sa 945.

Ang isang pahayag ng Ministyeryo ng Kalusugan ay nagsabi na 20 sa mga pasyente ay nasa kritikal na kalagayan habang 37 ang nakabawi.

Noong Biyernes, kinumpirma ng Israel ang unang pagkamatay nito mula sa virus.

Sinabi ng Palestino na Ministro ng Kalusugan na si Mai al-Kaila, na apat na bagong mga kaso ang naitala sa West Bank na mga lungsod ng Ramallah at Al-Khalil (Hebron), na umabot ang kabuuang bilang ng mga impeksyon sa nasasakupang teritoryo sa 52, kabilang ang 17 na mga nakabawi.

Ang unang mga kaso ay iniulat mula sa Gaza Strip nang ang dalawang pasahero na bumalik mula sa Pakistan noong nakaraang Huwebes ay inihayag na sila ay nasuri na may mikrobyo, na opisyal na kilala bilang COVID-19.

Mayroong higit sa 329,000 na nakumpirma na mga kaso sa buong mundo, na may kamatayan na umaabot sa 14,500, habang mahigit sa 97,000 ang nakabawi muli.

 

 

3470973

Name:
Email:
* Comment: