IQNA

8:36 - June 25, 2020
News ID: 3001813
TEHRAN (IQNA) - Ażān (Islamikong pagtawag sa pagdarasal) ay sa kauna-unahang pagkakataon binigkas sa Malaking Moske ng Algiers sa Algeriano na kapital.

Ang moske ay nakatakdang opisyal na ilunsad sa banal na buwan ng Ramadan ngayong taon (Apirl-May) ngunit ang pagpapasinaya nito ay ipinagpaliban dahil sa pagsiklab ng coronavirus.

Inilalagay sa moske ang pinakamataas na minaret sa buong mundo at ang pinakamalaking masjid sa Aprika at ang pangatlo sa pinakamalaki sa buong mundo.

Ang pagtatayo nito ay nagsimula noong Agosto 2012 matapos ang kontrata ng Algeriano na pamahalaan, para sa 1 bilyong mga euro, ay nanalo ng China State Construction Engineering Corporation.

Ang disenyo ay ginawa sa pamamagitan ng mga arkitekto ng Aleman na KSP Juergen Engel Architekten at mga inhinyero na Krebs und Kiefer International.

Ang moske ay nakalagay sa isang pook na sumasaklaw sa 400,000 m2 at tinatanaw ang Dagat sa Mediteraneo. Ang bulwagan ng pagdasal ay may kapasidad na 37,000 na mga mananamba, habang ang istraktura kasama na ang bakuran ay maaaring makapasok sa 120,000 na mga mananamba at may parking na lugar para sa 7,000 na mga kotse. Naglalagay din ng pangkat ng mga gusali katulad ng isang paaralan ng Qur’an, isang parke, isang silid-aklatan, lugar ng pabahay ng kawani, isang istasyon ng sunog, isang museo ng sining Islamiko, at isang sentro ng pananaliksik.

Ang moske ay mayroon ding 265-metro-ang taas na minaret, na ginagawa iyon na pinakamataas na gusali sa Aprika.

Number of Visited : 1

 

 

3471763

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: