IQNA

8:53 - July 02, 2020
News ID: 3001837
TEHRAN (IQNA) - Tinanggihan ng punong ministro ng Algeria ang mga panukala na buksan muli ang mga moske sa bansa dahil sa mga alalahanin tungkol sa karagdagang pagkalat ng mikrobyong korona.

Sinabi ni Abdelaziz Djerad na ibinigay ang mga pananaw na ipinahayag ng mga dalubhasa sa kalusugan at mga manggagamot, hindi maaari ang pagbubukas muli ng mga moske, iniulat ng mena.monitor website.

"Kapag nawala ang sakit na mikrobyong korona, magsasagawa tayo ng mga pagdarasal ng magkasama sa mga moske," dagdag niya.

Maraming lumalagong tawag sa Algeria sa mga nagdaang mga araw para sa pagbubukas ng mga lugar ng pagsamba sa Muslim.

Sinara ng pamahalaan ang mga moske at sinuspinde ang mga pagdarasal na pagtitipon sa apat na mga buwan na ang nakakaraan bilang bahagi ng pagsisikap upang maiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit.

Ayon sa kagawatan ng kalusugan ng Algeria noong Martes, 298 na bagong mga kaso ng COVID-19 ang napansin sa bansa at 8 na katao ang namatay sa sakit sa nakaraang 24 na oras.

Ang kabuuang bilang ng mga positibong mga kaso ng mikrobyong korona ay 13,907 at ang namatay ay umabot sa 912.

 

 

3471851

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: