IQNA

6:17 - July 07, 2020
News ID: 3001853
TEHRAN (IQNA) - Isang aklat na pampulitika na Islamopobia sa US ay inilantad sa pagdiriwang sa Tehran noong Lunes.

"Ang Pampulitika na Islamopobia sa mga Suriang Amerikano: Ang Pakikipagdigmaan sa Kapangyarihan ng Paglabang Islamiko" ay ang pamagat ng aklat sa pamamagitan Propesor ng Unibersidad sa Tehran si Hakimeh Saghaye-Biriya.

Ang aklat ay kamakailan-lamang inilathala sa 210 na mga pahina sa pamamagitan ng Komisyon ng Islamikong Karapatang Pantao (Islamic Human Rights Commission) [IHRC] sa London.

Sinusuri nito ang papel na ginagampanan ng tagapag-isip ng US sa paglagay at paggatong ng Islamopobia sa mga patakaran na pantahanan at dayuhan ng pamahalaang US.

Sa pagsasalita sa pagdiriwang na ginanap doon sa Tanggapan ng mga Balita na Pandaigdigan ng Qur’an dito sa Iranianong kabisera, inilarawan ni Saghaye-Biriya ang Islamopobia bilang isang sangay ng rasismo sa Kanluran.

Sinabi niya sa panahon na ang mga protesta laban sa rasismo ay kumalat sa buong mundo, mayroon na magandang pagkakataon upang makagawa ng tulay sa pagitan ng paglabang Islamiko at mga kilusang laban sa rasismo sa mundo.

Sinabi rin ni Saghaye-Biriya na binalak niyang isulat ang pangalawang tomo ng aklat na nakatuon sa mga paraan ng paghaharap sa Islamopobia sa Kanluran.

Sa naitala na mga mensahe sa video na iniharap doon sa pagdiriwang, ang Pangulo ng IHRC si Masoud Shajareh at si Saeed Khan ng Wayne State University ay pinuri ang aklat dahil sa pagbibigay ng mahusay na pagsusuri sa papel na ginagampanan ng mga tagapag-isip na pampulitika sa paggawa ng patakaran ng US at pag-uunawa sa mga ugat ng Islamopobia sa bansa.

Si Saghaye-Biriya, sino nakatanggap ng kanyang digri sa PhD sa North American Studies mula sa Unibersidad ng Tehran noong 2016, ay may akda rin ng isa pang aklat tungkol sa paksâ.

Ang aklat na may pamagat na "Elite American Think Tanks and Political Islam: Under the Grip of Orientalism and American Exceptionalism”, ay nailathala noong 2019 ng LAP LAMBERT Academic Publishing.

 

 

3471905

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: