IQNA

23:24 - August 09, 2020
News ID: 3001962
TEHRAN (IQNA) - Pinuno ng kilusang Houthi Ansarullah ng Yaman si Abdul-Malik Badreddin al-Houthi binati ang mga Muslim at Sambayanang Arabo sa Eid al-Ghadir.

Sa isang talumpati noong Sabado, sinabi niya ang simulain ng Wilayat (pamumuno ng Walang-Kamalian) ay ang garantiya sa pagpapatuloy sa landas ng Diyos at pagtatayo laban sa mga kaaway ng Samabayanan [Ummah], iniulat ng Al-Maseerah TV.

Sinabi rin niya na ipinagdiriwang ng bansang Yaman ang Eid al-Ghadir sa taong ito katulad ng nakaraang mga taon, sa loob ng balangkas ng kanilang pamana na panrelihiyon.

Binabalaan pa ni Al-Houthi na kung ang mga Muslim ay lumayo sa banal na mga katuruan, ito ang magbibigay daan sa pamamahala ng mga kaaway sa Samabayanang [Ummah] Islamiko.

Ang pangyari ng Ghadir o Eid al-Ghadir, ay ipinagdiriwang ng mga Shia Muslim sa buong mundo sa bawat taon. Ito ay kabilang sa mga mahahalagang kapistahan at maligayang pista opisyal ng mga Shia Muslim na ginanap sa ika-18 araw ng Dhul Hijja sa kalendaryo ng buwan na Hijri.

Ito ang araw kung saan alinsunod sa mga ulat, hinirang ng Banal na Propeta (SKNK) si Ali ibn Abi Talib (AS) bilang kanyang kalip at Imam pagkatapos sa kanyang sarili sa pagsunod sa utos mula sa Panginoon.

 

 

3472217

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: