IQNA

6:48 - January 17, 2021
News ID: 3002429
TEHRAN (IQNA) - Ang Sentrong Islamiko ng Imam Ali (AS) sa Stockholm, Sweden, ay nagsaayos ng onlayn na mga palatuntunan sa pagluluksâ bago ang anibersaryo ng pagkabayani ni Hazrat Fatimah Zahra (SA) simula sa Enero 14.

Ayon sa website ng sentro, ang mga palatuntunan ay magtatapos sa Enero 16.

Ang pagbigkas ng Qur’anikong mga talata at panalangin ng paglalakbay ng Hazrat Zahra (SA), mga talumpati sa pangrelihiyon at pagbigkas ng tula ng pagluluksâ ay magkakaibang mga bahagi ng mga palatuntunan.

Si Hojat-ol-Islam Husseini Araki ay naghatid ng mga talumpati sa pagdaraos lalo na para sa mga mamamayan sa Sweden at iba pang mga bansa sa Scandinaviano.

Ang mga palatuntunan ay naibrodkas sa Zoom at iba pang mga tsanel sa sosyal media.

Ayon sa ulat noonng 2017 mula sa Ahensiya ng Swedish para sa Pagsuporta doon sa Pananampalataya sa mga Pamayanan, mayroong higit sa 170,000 na mga Muslim sa Sweden.

Ang mga Shia Muslim at iba pa sa iba't ibang mga bahagi ng mundo ay nagsasagawa ng mga pagdiriwang sa bawat taon sa unang mga araw ng buwan ng Jumada al-Thani sa kalendaryong Hijri upang ipagdalamhati ang pagdiriwang ng pagkabayani ng pinakamamahal na anak na babae ng Banal na Propeta (SKNK).

Ngayong taon ang pagdiriwang ng pagkabayani ni Hazrat Zahra (SA) ay bumagsak sa Linggo, Enero 17.

 

 

3473712

Name:
Email:
* Comment:
* captcha: